17 - His Last Night

27 2 0
                                    

David's POV

Nagising ako dahil sa hirap akong huminga, sinubukan kong tumayo mula sa pagkakahiga pero mukhang nakakulong ako sa isang kahon.
"Tulong!! Tulungan niyo ko!!" sigaw ko habang pinapalo yung itaas na kahon, pero tanging pagbagsak lang ng lupa lang ang nangyari. Hindi ko maintindihan kung nasan ako o kung ano na ang nangyayari sa mga kaklase ko.
"Niro!! Nasan ka?! 4-A!!" sigaw ako ng sigaw pero walang sumasagot, nahihirapan na din akong huminga. Sinubukan kong lumingon sa paligid pero sobrang dilim, wala akong ilaw na makita. Kung nasa kahon ako at may mga lupang bumabagsak kanina noong hinahampas ko yung itaas na bahagi ng kahon... n-nakalibing ako ng buhay.
"P*tang*na!!" hindi ako makaupo o makagalaw man lang ng maayos, parang sinakto yung size ng kahon sakin.
"Please tulungan niyo ko... Lord tulungan niyo ako" nagdasal ako ng nagdasal, ayoko pang mamatay. Please Lord, sana may makahanap sakin.

Percival's POV

Tinignan ko yung mga classmate at teachers naming malulungkot, of course malungkot din ako dahil nachugi na sila Madam at Sir. At dahil nag-aalala ako sakanila, papasayahin ko nalang sila.
"Guys, Mam and Sir, kung maaari lang na wag muna tayong malungkot. Alam kong hindi pa tapos ang killer dahil hindi pa tayo nauubos. Pero nandito tayo para magsaya, hindi para magdusa" sabi ko nung tumayo ako sa malaking trunk ng puno na nakatumba.
"Percival bumaba ka diyan" kalmadong sabi ni Shawn pero hindi ko muna siya sinunod.
"Gusto ko lang kayong pasayahin kasi these past few days lagi tayong nalulungkot at umiiyak" tinignan ko sila pero walang sumasagot.
"So ano na? Dramahan nalang ba tayo ditey? Let's go fun!" minali ko talaga yung grammar ko para masiyahan sila kahit konti.
"Baliw, let's go have fun yun" kahit naluluha ay tinawanan nila ako sa sinabi ni Riley.
"Oh kaya nga, let's go to rivah!" imbes na lake ang sabihin ko, river nalang.
"Lake kasi yun!" pagtatama ni Jay Kim kaya nagtawanan kami, nagkunyare akong na-offend.
"O edi ikaw na magaling Jay Karl" sabi ko pa, pero actually si Jay Kim yun.
"Jay Kim kasi!" pagtatama niya kaya nagtawanan sila.
"Omaygad. Nanlalabo na ba ang aking mga mata? Oh no this can't be happening!" hinawakan ko yung mukha ko at kunyaring nababaliw, at masaya akong natatawa sila sakin.
"Nako Percival mamaya malaglag ka diyan eh" sabi ni Mam kaya tumalon ako sa trunk sabay split.
"Bongga!" sabay sabay kaming nagtawanan dahil sa ginawa ko, oh ayan wala na yung negative vibes.

*

Naghanda kami ng mga damit na pamalit namin bago pumunta sa lake, mababaw lang naman siya kaya pwedeng maligo. Malinaw nga eh.
"Ansaya naman maligo dito, ang linaw" masayang sabi ni Tamara habang pinagmamasdan yung ganda ng lake.
"Oo nga no, excited na tuloy akong magtampisaw" dagdag pa ni Allison kaya naman tinabi na namin yung mga damit namin sa ilalim ng puno at agad na nagtampisaw sa lake.
"Emegesh eng het niye" tinuro ko si Jay Karl dahil naka-topless siya! Oh my! Ang yummy!
"Huy ano ka ba? Pati ba naman si Jay Karl pinagnanasaan mo?" tanong ni Allison sakin nung nakita niya ako.
"Ano palang gusto mo? Si Sir Aron pagnasaan ko?" tanong ko sabay hanap sa kuya niya.
"Wag nga! You're so gross" kunyari siyang nandidiri sakin kaya tinawanan ko siya.

"Mukhang kulang tayo" rinig kong sabi ni Mam kaya binilang ko yung mga kasama ko, sampu nalang kaming magkakaklase at dalawang teachers, pero may dalawang hindi sumama maligo. Nang hinanap ko, si Naira at David yung kulang.
"Nasan sila Naira at David?" tanong ko kaya napatingin sakin yung mga kaklase ko.
"Si Naira hindi naligo, nagstay lang siya sa treehouse pero hindi ko alam kung nasaan si David" rinig kong sabi ni Mam Lucy kaya napabuntong hininga ako. Don't tell me isa sakanila ang mamamatay ngayon? Pero wag muna maging nega ngayon, okie?
"Oh malay lang natin nag-date pala sila?" pagbibiro ko kaya natawa sila.
"Ikaw talaga Percival biro ng biro" rinig kong sabi ni Sir na katabi ni Mam Lucy.
"Sows. Baka naman Sir magkatuluyan kayo ni Mam niyan?" pang-aalaska ko kaya nag-ayie kami sakanila.
"Hay nako tumigil nga kayo, ang mabuti pa manghuli nalang tayo ng isda sa fish pond para may pagkain tayo" pag-iiwas ni Mam Lucy sa topic kaya natawa kami at sumunod nalang sakanya, nagpunta kami sa fish pond at nanguha ng fishing rod.

"Kyaaah! Emegesh help me!" para kasing ambigat ng mahuhuli kong isda.
"Akin na" binigay ko kay Jay Karl yung pamingwit ko at siya yung humila, syempre titig muna sa yummy abs niya. Ooh lala!
"Oh, ang laki ng nahuli mo ha" nakangiti niyang sabi sakin habang pinapakita yung malaking tilapia na nahuli ko, kinuha ko naman yun at ngumiti sakanya.
"Thankie!" pagpapasalamat ko tapos ngumiti lang siya, matapos naming mamingwit ng isda ay inihaw na namin yun.
"Oy hindi ibig sabihin na kambal kita maghahatian tayo, huli mo kain mo" rinig kong sabi ni Jay Kim sa kambal niyang si Jay Karl, tinignan ko naman sila tapos binigay ko kay Jay Karl yung isang isda na nahuli ko.
"Oh, salamat dahil tinulungan mo ko kanina" sabi ko habang binibigay sakanya yung isda na nahuli ko.
"Ayie mamaya ma-fall ka sakanya kambal ha, hahaha" nagtawanan kami sa sinabi ni Jay Kim.
"Don't cha worry, sasaluhin ko naman siya" sabi ko kaya mas lalo silang natawa.

"Good evening po, gusto niyo po ba ng wine?" rinig kong tanong ng babaeng stuff ng forest camp.
"Wine daw, kuha na kayo" sabi ni Mam Lucy kaya naman nanguha kami ng tig-iisang wine, nakalagay na kasi yun sa baso pero yung maliit lang.
"Salamat po!" sabay sabay naming pasasalamat sa babae tapos ngumiti siya at bumalik na sa main hall. Agad kong ininom yung wine ko at katulad ng iba ay ininom nila yung kanila.
"Ansarap naman nito, gusto ko pa sana kaso umalis na yung babae" rinig kong sabi ni Tamara matapos niyang mainom yung wine niya.
"Oo nga eh" pagsang-ayon ni Shawn, mga ilang minuto pa ay naramdaman kong parang may gumagalaw sa lalamunan ko na hindi ko maintindihan.

"Oh? Anong nangyayari sayo Percival? Don't tell me nalasing ka agad sa wine?" rinig kong pagbibiro ni Riley pero hindi ako natawa, napatayo ako at nararamdaman kong parang kumakati yung lalamunan ko.
"Ugh... h-help" hindi ko mabigkas yung help dahil sa sobrang kati ng lalamunan ko, agad na naalarma yung mga kaklase ko at kitang kita ko na nag-aalala sila sakin.
"Percival?! Anong nangyayare sayo?!" rinig kong tanong ng mga kaklase ko pero hindi ako makasagot, parang umiikot yung paningin ko at parang may gustong lumabas sa bibig ko. Ilang segundo pa at nagmamanhid na ako, wala na akong maramdaman at natumba ako sa lupa.

"Percival!!!" iyon nalang ang huli kong narinig bago pumikit yung mga mata ko, hindi ko alam... eto na pala yung huling araw ko dito sa mundo.

The School Of TerrorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon