•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Dear you,Ako nga pala si Jam, isa lang akong simpleng babae na hindi mahilig sa mga masyadong pambabae na gamit at damit. Boyish type ako, pero certified na babae po ako.
Simpleng mag-aaral ng isang unibersidad. Highschool student nga pala ko, and 16 year of age na ako. Bata pa ako... ano pa ba ang tungkol sa akin?
NBSB ako at ayaw ko kasi sa mga lalaking puro yabang lang ang alam. 'Yong mga lalaking walang alam kundi ang manakit at mangwasak ng puso ng mga babaeng NILIGAWAN NILA! Take note, NILIGAWAN so it means sinuyo nila, nagpakahirap silang manligaw at gumastos pero nang nakuha na nila ang matamis na OO ng isang babae, wala na't mababawasan na ang efforts nila!
Kaya nga natatakot akong magmahal baka sa huli maiiwan akong wasak. Kaya sana makakatagpo ako ng isang lalaking magmamahal sa akin ng totoo at hinding hindi ako iiwan.
Sige ha? Hanggang dito muna, may gagawin pa kasi akong project.
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...