•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
Kanina nagkaroon na naman kami ng piano lesson sa church. Hindi ko alam bakit wala na akong ganang pumunta ngayon sa mga lessons namin pero dati naman gusto ko araw-araw practice namin. Napagalitan nga ako kay Ate Pitchy dahil parati akong nagkakamali at wala raw ako sa sarili ko. Pero hindi mo naman kasi ako masisi kasi sa tuwing nakikita ko si ano... parang may maliliit na karayom ang tumutusok sa puso ko. It's sounds corny pero yun talaga ang nararamdaman ko.Tapos kanina rin, pauwi na ako tapos bigla akong tinawag ni Kuya Cleng. Nakisabay sya sa akin sa paglalakad, ayun nagkwentuhan kami hanggang sa mapunta ang usapan namin sa love life ko. Meron ba ako non? Wala naman eh...
May tinanong nga sya sa akin na hindi ko nasagot, gusto mong malaman kung ano ang tinanong sa akin? May crush ba raw ako sa mga drummers? Diba? Ang hirap sagutin! Syempre ako todo palusot ang lola nyo para hindi ako mahuli. Pero may nalaman rin ako na naging dahilan para hindi ako makatulog ng maayos...
Totoo ang hinala ko na yung parating kasama ni ano... ay nililigawan nya pala. Ang sakit... Super nahurt ako, wala na talagang pag asa na magkagusto sya sa akin. Sino nga ba ako para magustuhan nya? Hindi naman ako kagandahan at katangkaran para magustuhan nya. In short "He will never and ever love me!"
Ps. Sana may gamot rin para sa sakit na nadarama ko.
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
JugendliteraturMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...