♪ ♬Mu§ic 11

995 43 6
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪

6:30 na nagising si Jam at nang mapatingin ito sa kanyang wall clock nito ay agad itong napabangon. "Hala! Late na ako! 7 am pa ang first subject ko! Hala!" Naligo at ginawa na lahat ni Jam ang daily routine nito. Kumaripas ito ng takbo papuntang sakayan ng jeep. "Malas! Malas! Bakit ba kasi ang aga umalis ni papa?" Buti nalang ay isa nalang ang kailangan para makaalis na ang jeep.

Agad itong bumaba ng jeep pagkatapat nito sa gate ng kanilang paaralan. Pero paupo si Jam sa tapat ng gate, "anak ng tokwa! Sabado pala ngayon!!!"

----------------

Jam's point of view

Bakit ba ganito ang araw ko? Akala ko talaga may pasok ngayon! Nakakainis! Naglalakad ako papuntang sakayan at dadaanan ko pa ang park habang sinisipa sipa ko ang maliit na bato na nakita ko sa daan. Napalakas ang sipa ko kaya may kung sino akong natamaan. Nang napalingon yung lalakeng nag jogging, "Jam?" tanong nito sa akin. Huminto sya sa pagjog at lumapit sa akin, at eto naman ako parang tuod sa tuwing nakikita ko sya.

"Bakit ka naka uniform?" tanong nya sa akin. Napahawak ako sa batok ko at napatawa, "hahaha! May... shooting sana kami pero hindi natuloy. Oo yun nga. Hahaha" grabe ano ba 'tong katangahan na ginawa ko.

Then he flashed his genuine smile that makes my heart to beat fast. "Talaga lang ha? Diba kaklase mo yung pinsan ko na si Daniel? Eh nakitulog sya sa amin kagabi, ayun nakahilata pa sa kama." pagkatapos nyang sabihin yon ay tumawa sya kaya napasimangot ako.

"Ehh, sa totoo lang... Akala ko ko kasi may pasok ngayon." pero tumawa sya ng tumawa. Tumalikod ako at naglakad palayo sa kanya.

"Uy, Jam. Sorry na" habang hinahabol nya ako at hinablot nya ang braso ko kaya napaharap ako sa kanya.

"Sorry, nagbibiro lang ako. Did you eat your breakfast?" umiling lang ako kaya hinila nya ako papunta sa isang resto malapit sa school namin.

Nag order lang kami ng pan cakes at dalawang slice ng cake, at choco drink. "Sige, kain kana." nginitian ko lang sya at ginalaw ko na yung pagkain ko.

Nagkwentuhan lang kami ng kung anu ano about sa buhay namin at nang mapatingin ako sa labas... si Note.

May kasama syang dalawang lalake... niliit ko yung mga mata ko para makita yung mga mukha nila pero hindi ko sila kilala. Ano bang pinaggagawa ni Note sa buhay nya? Bakit hindi na sya pumupunta ng church? Bakit nagbago sya bigla? Dahil ba sa akin?

"Jam?" napatingin ako kay Josh, "are you okay?" okay lang ba talaga ako?

"Ahh, oo. I'm o-okay" sagot ko at napatingin ulit ako sa labas pero wala na sila Note.

Pagkatapos naming kumain, naglakad lakad muna kami dito sa park pero biglang may naramdaman akong pumatak sa balikat ko, at napatingin ako sa kalangitan medyo makulimlim. "Hala! Umuulan!" sigaw ko.

Inikot ko ang paningin ko sa buong park wala akong makitang masisilungan.

Bigla akong hinila ni Josh, tumatakbo kami at nasilong kami sa isang shed. Napatingin ako sa kamay ko at nakawak sya rito. "Ahh... Err--" at binawi ko ang kamay ko.

"Sorry" hiyang paghinga ng dispensa. "It's okay, but thanks anyway." at nagbalik ulit ang ngiti sa labi nya. Grabe ang basa-basa na namin.

Ibinalin nya ang kanyang paningin sa daan at pinapanood ang ulan, tanging patak lang ng ulan ang naririnig namin... Ang tahimik.

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon