-Whiterose 27

858 41 1
                                    

•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
Talaga bang hindi na ako titigilan ng tadhana? Alam mo yung nakakabaliw? Yung mystery texter ko ay ang best friend ko na si Note. Kanina ko lang nalaman, kanina rin sya nagtapat sa nararamdaman nya para sa akin. Super syang nag effort, inayos nya yung room at binigyan nya ako ng gift for my birthday tomorrow. Isang necklace na may pendant na G clef note. Alam nya ang wish gift ko kasi ang tagal ko nang naghahanap ng ganon na necklace tapos yun. Matagal na rin pala nya alam na crush ko si Josh.

Alam mo kung ano ang mahirap? Hayaan ko lang daw sya na mahalin ako pero paano yon? Ayaw ko naman na paulit ulit konsyang nasasaktan, dahil alam ko ang feeling ng nasasaktan. Isa pa 'to si Josh, hindi naman sa nag aassume ako pero sa pinakita at sinabi nya kanina parang may pinapahiwatig sya pero... ayaw kong mag assume kasi masasaktan nanaman ako. Pero ang iniisip ko ngayon ay si Note, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Mahal nya ako pero may mahal naman akong iba na ang taong mahal ko hindi naman ako mahal. It's sucks. Bakit ba ganyan ang pag ibig?

Ano nang gagawin ko nito kay Note? Pagkatapos nyang ibigay sa akin yung necklace at nagpasalamat ako sa kanya bigla nalang nya akong tinalikuran, ang sabi nya bago nya ako iwan sa room na yon....

Mamahalin kita hanggat sa kaya ko, kahit pa ang kapalit ang buhay ko. Poprotektahan kita, hindi ko hinihingi na mahalin mo ako pabalik pero sana hayaan mo lang ako at sana walang magbago.

Anong ibig nyang sabihin about dun sa buhay? Kinakabahan ako, alam mo sana wala nalang akong nalaman at sana panaginip lang ang lahat.

§SL

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon