•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•
Dear you,
Hi dairy! I miss you so much! Namiss ko talaga ang magsulat dito, sa mahigit isang buwan rin akong hindi nakalag sulat. Masari rin ang nangyari sa buhay ko sa loob ng isang buwan. Una, naging magaling na ako sa pagtugtog ng keyboard! Ang saya kasi nakakatugtog na ako ng maraming kanta at nakakapagnotes na rin ako! Kinakapa ko nga lang yung mga yon hehehe.Pangalawa, medyo medyo nabawasan na yung nararandaman ko kay Josh. Yung tipong palagi konsyang nakakasama pero normal lang sa akin yung hindi kumakabog yung puso ko pag nakikita ko sya. Nakakausap ko rin sya ng maayos at hindi yung pautal utal at hindi narin ako kinakabahan pag kinakausap nya ako. Achievement yon dai!
Pangatlo, naging mas maganda yung mga grades ko! Siguro dala rin ng pag mumove on ko. Ganda ng epekto sa akin hahaha! Galing no? Nagmumove on ako pero hindi man naging kami hahaha!
Pang apat, friends nakami ni Josh! Close na nga kami eh, hahaha tapos tinext nya ako ngayon. Nagpasalamat sya sa pagtulong ko kanina para maayos ulit yung beat nya. Ang saya kasi friends na kami, kahit hindi naging maganda yung buhay ko nang nakilala ko sya nung una pero ngayon nang dahil sa kanya ang dami kong natutunan.
Pang lima, Kanina sa preaching... Para sa akin talaga yon kasi tamang tama sa akin. Yung tipo na nung una diba nung last entry ko sa dairy na 'to kulang nalang magbigti na ako pero ngayon may mas magandang plano pala si God. Naalala ko tuloy yung nabasa ko sa bible nung araw na nagmumove on pa ako, hangga naman ngayon nagmumove pa ako. Sabi dun sa verse, "You don't know what I'm doing know, but someday you will."
Ang saya super! Ang galing talaga ni Lord, kasi oo nasaktan ako ng bongga pero after that eto ako kahit nagmumove pa lang ako masaya naman. Yung line nasinabi dun sa movie, nakalimutan ko lang yung title... Ang sabi "Sino bang magandang nagmumove on? Papatayin ko. " hahahaha, ako yung maganda hahaha
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Novela JuvenilMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...