•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Dear you,Minsan kung sino pa yung rason mo para maging masaya, yun rin pala ang rason para masaktan ka.
Kanina... Values class namin recitation, hanggang ngayon hindi parin maalis sa isipan ko ang naitanong sa akin. "Bakit may mga taong pinagpapatuloy parin mahalin ang mga bagay na nakakasakit sa kanila?" Yan ang tanong sa akin, speechless ako.
Isang minuto siguro bago ako nakasagot, ang sabi ko... Pinagpapatuloy parin nila na mahalin nila ang isang tao kahit nasasaktan na sila kasi dun sila masaya eh. Kahit nasasaktan na sila nagmamahal parin sila. Siguro martyr sila kung tawagin pero dun nila nakikita yung kulang sa puso nila.
At dahil rin sa katotohanang nararanasan ko rin ang mga bagay na yan... dahil sayo. Crush lang kita pero bakit nasasaktan ako sa tuwing nakikita kita na kasama mo sya. Hindi naman kagandahan eh, ang sungit kaya nung girl na yon, at higit sa lahat tayo ang bagay. Pero... sya yung minahal mo at hindi ako. Kaya ako naiwang mag isa na patuloy parin sa paghanga sayo at patuloy na nasasaktan.
Ps. Ang shunga mo! Para hindi makita yung tunay na nagmamahal sayo.
§SL
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Fiksi RemajaMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...