•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
Ang sakit... sobrang sakit. Kasama ko kanina si Note yung best friend ko, naglalakad kami kanina sa corridor tapos napatingin ako sa isang banda sa may bench... si crush na kasama yung babae na nililigawan nya. Hinalikan kasi ni crush yung kamay nya na nagpasakit ng puso ko. Hindi ko kinaya kaya napatakbo ako, yung feeling na gustong takasan yung sakit na nadarama ko pero kahit anong pagtakbong gawin ko hindi ko parin matatakasan, sa katangahan nga nadapa pa ako. Pero alam mo yung masarap sa pakiramdam yung best friend kong si Note, hindi nya ako iniwan.Ngayon nga rin nung buksan ko yung dairy ko yung last page may nakasulat na message para sa akin. Hindi ko man alam kung sinong nagsulat pero tama sya... pero hindi kasi nya alam yung nararamdaman ko. Kung meron sanang restart button ako para makalimutan ko na sya pero wala eh. Masakit pero kailangan kong harapin yon kasi minahal ko yung taong may mahal ng iba.
Ps. Kasalanan bang mahalin ko sya? Mali ba na mahalin ko sya? Sana matanggal na yung nararamdaman ko sa kanya yung tipong kagising ko wala na sya sa isip ko. Pero imposible yon...
§SL
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...