~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪
"Jam? Puyat ka ba?" tanong ng kaibigan nito habang naglalakad sila sa corridor. Yakap yakap ni Jam ang mga libro nya, "hindi ako puyat" matipid na sagot ng dalaga sabay hikab nito.
Napatango nalang ang kanyang kaibigan, "hindi nga puyat ha?"
Tumigil sila sa paglalakad at humarap si Jam sa kaibigan nito, "kasi naman hindi ako makatulog kagabi." at nagpatuloy sila ulit sa paglalakad.
"At ano naman ang dahilan aber?" tanong ng kaibigan nya sa kanya.
"W-wala, yung kasing kapitbahay namin... Nagkakantahan pa sila." Napakagat ng lower lip si Jam sa palusot na sinabi nya.
"May vacant naman tayo eh, pwede kang matulog non." pahayag ng kaibigan nito at tumango nalang si Jam.
Habang sila'y naglalakad papuntang locker room nahagip ng tingin ni Jam si Josh. Masaya itong nakikipagkwentuhan sa 'magandang babae' na kamag aral nito. Lungkot ang bumakas sa mukha ni Jam sa kanyang nakita kaya napahinto ito sa paglalakad at nakapako lang ang kanyang paningin kina Josh. Ang sakit na makita ang taong mahal mo na may kasamang iba.
"Jam, bakit?" tanong ng kaibigan nito pero hindi man nya pinansin. Namuo ang mga luha nito ng hawakan ni Josh ang babaeng kasama nito at hinalikan. Tumakbo ng matulin si Jam habang umaagos ang mga luha nito. Takbo... Takbo... Pero hindi mo matatakasan ang sakit.
"Jam! Saan ka pupunta?" sigaw na tanong ng kaibigan nito at sinundan si Jam.
Patuloy parin sa pagtakbo si Jam, wala syang pakielam kung may nabubunggo na syang ibang tao basta ang nasa isipan nya lang... Ay ang matakasan ang sakit na nadarama nya.
Takbo lang sya ng takbo hanggang sa makarating sya sa garden ng school at sa kasamaang palad sya ay natisod kaya nadapa ito. Mabuti nalang ay walang tao rito, agad itong umupo at niyakap nalang nya ang kanyang binti at ipinatong ang kanyang noo sa kanyang tuhod.
Sa isang banda naman, hinahanap parin ng kanyang kaibigan si Jam. "Nasaan ka na ba?" tanong nito sa sarili. Tumakbo sya patungong hardin at nagbabakasakaling makita si Jam pero hindi sya nagkamali naabutan nga nya si Jam na umiiyak.
Agad nya itong linapitan at niyakap. "Jam bakit ka nagkakaganyan?" pag aalalang tanong nito sa kaibigan.
Inangat ni Jam ang kanyang ulo, bakas sa mga mata nito ang sakit na nadarama nito. "Best, bakit ako nasasaktan ng ganito? Bakit? Bakit?!" hagul gol nito sa kaibigan pero niyakap lang ng binata si Jam. "Shhh... Tahan na Jam, you don't deserve to feel this thing." Mahinahong pahayag nya na automatikong nagpagaan ng loob ni Jam.
----------
Nasa library sila Jam ngayon kasama nya si Note ang kanyang best friend. "Matulog ka muna Jam alam kong pagod ka." Pahayag ni Note sa dalaga habang hinahawi ang buhok sa mukha ni dalaga, habang si Jam ay mahimbing ang tulog.Ang peaceful ng tulog ni Jam parang walang sakit ang nararamdaman nya. Nagbabasa ng libro si Note, nang may napansin itong isang notebook na nakatali ng blue na ribbon. Dahandahan nya itong kinuha sa dalaga kasi nakapatong ang kanyang kamay rito.
Matagumpay na nakuha ng binata ang notebook at nangtanggalin nito ang tali... "Diary?" pagtatakang tanong ng binata sa kanyang sarili. Napangiti ng bahagya si Note, "uso pa pala ang dairy kay Jam?" Ninasa nito ang prelude.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Ficção AdolescenteMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...