♪Mu§ic 01

2.6K 104 5
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪

Nagmadaling lumabas ng silid si Jam habang bitbit ang kanyang bag. Patakbo itong pumunta sa terminal ng jeep na papuntang bayan. Mahuhuli na kasi siya dahil 5 P.M. ang workshop.

"Manong magkakasya pa po ba ako?" hingal na tanong ng dalaga sa barker ng jeep.

"Sorry iha, sa susunod na jeep ka na lang sumakay." Napahawak sa kanyang batok ang dalaga at hingal pa rin siya sa pagtakbo nito.

"Manong, d'pn na lang po ako sa sahig," pahayag ng dalaga at hindi pa man nakakasagot si Manong agad itong sumakay ng jeep.

--------------
"Oh, bakit late ka?" tanong ng kanilang babaeng mentor na nagngangalang Pitchy.

"Ate, hindi po kasi kami agad pinalabas ng last teacher namin. I'm sorry, Ate Pitchy," napailing na lang si Pitchy sa kanya.

"Halika na, pumasok na tayo." sinabayan ni Jam sa paglakad papasok ng church si Pitchy. Inikot ng dalaga ang kanyan paningin at nahagip nito ang binata na pumukaw sa damdamin ng dalaga. Napahinto ito sa paglalakad at nakapako lang ang kanyang paningin sa binata habang nakikinig lang ang binata sa kanilang mentor na nag ngangalang Cleft pero ang tawag sa kanya ay Cleng.

"Uy, Jam! Tara na." natauhan ang dalaga sa pagtawag ni Pitchy sa kanya.

Umupo na si Jam sa harap ng isang keyboard at nagsimula na itong pag-aralan ang mga chords at nota na tinuro sa kanya, habang ang ibang kasama nito ay tinuturuan ni Pitchy.

"Jam, pakitanong nga kay Cleng kung sasabay siya sa akin mamaya pag-uwi." utos ni Pitchy kay Jam na nagpanginig sa buong katawan ng dalaga. Nalingon siya kay Pitchy, "p-po?" utal na tanong nito.

Automatikong kumumot ang noo nito, "Dali na, labas ka muna ng room puntahan mo si Kuya Cleng mo at tanong mo kung sasabay sIya mamaya. Pati na rin pala kay Josh kung sasabay rin sIya." 

Tumango na lang sIya at tumayo. Payukong naglakad papuntang pintuan si Jam, inunat nito ang kanyang kanang kamay at dahandahan nitong pinihit ang doorknob. Sa kabila kasi ng pintong 'yon ay ang silid kung saan nakapwesto ang mga drummers.

Paglabas nito, automatikong napatingin ang lahat ng drummers sa kanya, napayuko ito at naglakad sa direksyon kung saan nakaupo si Cleng. "Kuya Cleng, pinapatanong ni Ate Pitchy kung sasabay ka ba raw sa kanya?" tanong ng dalaga habang nakawak ang dalawa niyang kamay sa kanyang ID.

"Ahh, hindi siguro. Sabay na lang kami ni Josh." nalingon si Jam sa binata at ganon din ito pero agad ring binalin ni Josh ang paningin kay Cleng. "Josh sabay ka na sa akin mamaya ha? Share tayo sa pamasahe, hahaha" tanong ni Cleng kay Josh at tango lang ang sinagot ng binata sa kanya.

"Sige Kuya, balik na ako sa lessons ko." pero bago pa ito makalayo--

"Jam" tawag ni Josh sa kanya at lumingon si Jam sa binata.

"Hmmm?" sa boses pa lang niya ay malalaman mo na kinakabahan siya.

"Pakisabi kay Ate Pitchy na pakidala niya mamaya 'yong payong. Baka kasi makalimutan ko pa." tumango lang si Jam at ngumiti sa binata. Agad ring nagpatuloy si Josh sa kanyang ginagawa.

Hindi man lang nya ako nginitian? Tanong ni Jam sa kanyang sarili.

-----------------
"Ingat sa pag uwi." pahayag ni Pitchy habang nakasakay na sa kotse. 7 pm na nang matapos sila, "Ate Pitchy ingat din po kayo." ngiting sabi ni Jam sa kanya, ngumiti ito bago sinara ang binta ng kotse at umalis na ito.

Nasa labas ng gate si Jam at naghihintay ng mapapadaan na tricycle, habang si Josh at Cleng ay nasa loob. Silang tatlo nalang ang natira, inaayos kasi nila Josh ang drums.

Naisipan na maglakad nalang ni Jam dahil wala paring sasakyan ang dumadaan. Pero hindi pa man sya nakahakbang biglang bumuhos ang malakas na ulan, "malas naman oh" dismayadong sabi nito sa sarili.

----------
"Kuya lalabas muna ako" paalam ni Josh kay Cleng.

Bago sya makalabas ng pintuan napansin nito ang payaong nya, "nakalimutan ni Ate Pitchy yung payong ko, sinabi kaya ni Jam sa kanya?" tanong nito sa sarili.

Dala nya ang payong sa paglabas ng pinto at napansin nya si Jam na nasa labas ng gate. Lumapit ito, "Jam? Bakit nandyan kapa?" tanong nito. Lumingon si Jam at nanlaki ang mata nito nang makita si Josh.

"Ahh, wa-wala." palusot nito. Binuksan ng ni Josh ang gate at lumabas ito.

Inabot ng binata ang payong sa kanya, "nakalimutan ni Ate Pitchy?" pagtatakang tanong ni Jam. Napangiti si Josh sa tanong ni Jam, "makakalimutin yon. Ganitin mo muna 'tong payong ko para hindi ka mabasa."




§Narrator.

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon