•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
Mapaglaro ang tadhana, sa paglalaro nya ng buhay ko... Ako naman ang nahihirapan at nasasaktan na lang. Kahapon nalaman namin yung mga band mates namin at ang masaklap ay kaband ko si crush. May part na masaya ako pero mas malaki ang part na nahihirapan ako. Nagkahawakan rin kami ng kamay kanina... ang lambot ng kamay nya, alam mo yung feeling na habang magkaholding hands kami... ang gaan sa pakiramdam yung point na safe ako with his care without love. It sounds weird pero there was static electricity when we touch each other's hand. Pero hindi ako naniniwala na kapag nafeel mo daw yon sa unang pagkakataon na mahawakan mo ang kamay ng isang tao ay kayo ang nakalaan para sa isa't isa, in other word "spark". Wala kaming ganon!Eto payung nakakagulat... Kinausap rin ako ni Note at tinanong nya kung crush ko raw si Josh. Todo deny ako syempre tapos yon naniwala nalang sya sa sinabi ko... Pero iba kung mag isip yung taong yon eh, kaya kailangan kong mag ingat. MAHIRAP NA!
Maiba ako... Sabi rin pala ni Ate Pitchy na kami kami raw yung magkakasama tuwing practice at tuwing araw na youth banding. Kasi naman kung ang puso ko lang ang susundin, aba gora ako don at igagrab ko na yung pagkakataong makakasama ko sya at mapalapit sa kanya. Tanga kasi ako eh! Minahal pa ang taong may mahal nang iba at minahal ko ang taong imposibleng mahalin ako.
Ps. Sana tigilan na ni tadhana ang paglalaro nya sa buhay ko. Kasi... nahihirapan na ako at nasasaktan. Utang na loob... Tama na.
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...