•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•'•
Dear you,
Good news! Alam mo ba kanina, nag outing kami ng mga kaband ko sa mall. Kain dito kain doon at kain kahit saan. Ang lakas palang kumain ni Josh my friend, walang inuurungan. Yun naglaro kami kaming apat sa may timezone pero nag paalam na agad non sa amin si Josh kasi nakita nya si Via yung girlfriend nya? Hindi ko ba alam kung bakit pag nakikita ko yung babaeng yon, parang kumukulo yung dugo ko.
So dahil kami nalang nila Joon at Jun ang naiwan, ginawa nalang namin lahat ng gusto namin. Nag window shopping kami sa mga men's department tapos bumili kami ng shoes na magkakapareho ng design. Hahaha ang astig kasi! Ang saya ko kahit iniwan kami ni Josh at least may nagstay naman para sa akin.
Nung pauwi na kami nakasalubong namin si Note na mag isa, siguro ng 6 pm na yon, tinanong namin kung ano ang gagawin nya don na mag isa lang sya at ang sabi nya may bibilhin lang sya. Pero inalok ko sya na sasamahan ko pero umayaw sya. Hindi ko ba alam kasi... nowadays, parang iniiwasan ako ni best friend. Pag uwian hindi sya nakikisabay sa akin, ang weird kasi simula kahapon hindi nya na ako pinapansin. It's hurt you know, pero alam ko naman na hindi nya ako matitiis. Kaya nga love na love ko yung bestfriend kong yon eh. Pasaway nga lang at makulit. Hayy... osya, magpapahinga na ako. Inaantok na rin kasi ako.
§SL
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Roman pour AdolescentsMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...