•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Dear you,Agad akong pumunta ng church kanina pagkatapos ng class hours. Kaso sa sobrang pagka-excited ko, ako pa lang ang nandoon at sarado pa ang gate. Medyo makulimlim pa nga ang kalangitan. Mahigit kalahating oras na akong naghihintay pero wala pa ring dumarating. Alam mo ba kung ano ang nakakasakit ng loob? Pagtingin ko sa phone ko may isa akong natanggap na text at ang sabi 'wala kaming practice'. Ang saklap 'di ba?
Pero... Pauwi na sana ako nang may pumarada na tricycle sa tapat ng gate. Pagtingin ko sa taong bumaba ng tric ay 'yong lalakeng sinasabi ko. Ang gwapo talaga niya! First time niya akong kinausap kanina at nagtanong bakit nasa labas pa ako then sagot ko wala pa lang practice at tumango lang siya. Nag-bye siya at sumakay na ulit sa loob ng tricycle.
May first conversation na kami.
§SL
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...