♪ ♬ Mu§ic 10

1.1K 49 8
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪

"The moment you're ready to quit is usually the moment right before the miracle happens."
-----------------------------------------

Maagang nagising si Jam, ngayon na ang araw ng "friendly date" nila ni Josh. Tumayo na sya at dumaretso sa sarili nitong wash room, humarap sya sa salamin, "Jam? Ayusin mo mamaya ha? Huwag kang tatanga tanga! Huwag kang gagawa ng katangahan sa harapan nya." saad nito sa sarili.

Pagkatapos nitong maligo at gawin ang dapat nitong gawin sa sarili nya bumaba na sya. Naabutan nito ang mama nya na nagluluto ng pan cake at ang papa nito na nakaupo na sa harap ng dinning table. "Good morning Ma, Pa!" masayang bati nito at umupo sya na rin.

"Kamusta na ang pakiramdam mo, anak?" tanong ng kanyang mama habang inahapag ang mga pan cakes.

"Okay naman po ako, ma. Wala naman po akong nararamdamang kakaiba." Sagot nito, hindi open si Jam kahit kanino. Hindi sya nag oopen ng problems at ang sabi nya sa sarili nya, pag problema ko, problema ko at ako dapat ang hahanap ng solusyon.

"Ganon ba anak? Sige kain kana." nakangiting utos ni Jen- mama ni Jam. Binalin naman nito ang atensyon sa kanyang asawa na nagbabasa ng news paper, "Hon, pinagpaalam pala ni Josh yang anak mo." binaba ni Dan -papa ni Jam ang hawak nitong news paper.

"Sino kamo? At para saan?" nakanoot nitong tanong. Istrikto ang ama ni Jam, pero ang ina naman ni Jam ay hindi maluwag at hindi rin mahigpit.

"Si Josh, yung gwapong lalake na kasama nya sa church na tumutugtog. Niyaya nya si Jam na lumabas, nagkita kami kahapon sa market at yun pinagpaalam nya sa akin si Jam." Pagpapaliwanag ni Jen sa asawa nito.

"Ganon ba?" tanong nya at sabay inom ng coffee, "sige... basta ihahatid ka nya pauwi. Kilala ko naman ang mga magulang nyan." ngumiti si Jen sa sinabi ni Dan.

----------------
3 pm na ng hapon at nakaayos na si Jam at nakalugay lang ang straight byang buhok na hanggang balikat. Simple lang ang suot nito, naka pants lang sya, naka worship generation na three forth na damit na yung maggas nito ay kulay dark blue at pure white na non, nagsuot rin sya ng simple earings at wrist watch, at naka blue slip shoes na mga 2 inches ang swelas nito.

Ilang sandali lang ay nakatanggap sya ng text na nasa harap na daw ng bahay nila si Josh. Nagmadaling bumaba ng hagdan si Jam at naabutan nya ang mama nito sa sala, "Ma! Aalis na po ako. Nandyan na po si Josh sa labas." hingal na pahay ni Jam.

"Sige, ingat ka ha? Anak ang pinag usapan ha? Pag ikaw sumuwag, lagot ka sa papa mo." tumango lang si Jam at lumabas na ng bahay.

Agad nyang nakita si Josh na nakasandal sa kotse nito habang naka bulsa ang mga kamay nito sa magkabilang bulsa ng pants nito. Simple rin ang suot ni Josh, naka long sleeves ito na kulay gray, naka pants na kulay white at nakasuot rin sya ng wrist watch.

Lumabas ng gate si Jam at agad na nilapitan si Josh, umayos ng tayo si Josh at tinitigan si Jam na papalapit sa kanya habang nakangiti. "Hi Jam" nakangiting bati ng binata at ngiti ang sinukli ng dalaga.

"Sorry, medyo na late ako." paghingu ng dispensa ni Josh habang binubuksan ang pinto para kay Jam. "Wala yon, okay lang." sagot ni Jam bago sumakay ng kotse.

Nakaupo si Jam sa tabi ng driver's seat, tahimik lang si Jam sa byahe habang nakatingin sa labas ng bintana. Maganda naman ang panahon pero may namumuong mga ulap na ilang oras lang ay pweding umulan.

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon