♪Mu§ic 03

1.4K 66 6
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪

"Okay, bukas tutugtog na kayo kasama ng ibang musicians. Parang yung mangyayari nyan, maggu- groupings kayo para mabuo kayo as one band." Paliwanag ni Pitchy sa mga tinuturuan nyang keyboardist kasama na dito si Jam na nakikitango sa mga sinasabi ni Pitchy. "Bukas nyo rin malalaman kung sino ang mga makakasama nyo at magiging kaband nyo. Sige yun lang, tara pray muna tayo."

-------------
Mag isang naglalakad si Jam papuntang sakayan ng tricycle sa may kanto nang habulin sya ni Cleng at nakisabay ito sa paglalakad sa kanya. "Oh Kuya Cleng, bakit?" pagtatakang tanong ng dalaga sa kanya.

Napakamot ng batok si Cleng, "wala lang, pinapahatid ka ni Pitchy sa akin. Alam mo namang love ka non eh." sabay silang natawa sa sinabi ni Cleng.

"Talagang masunurin ka kay Ate Pitchy, pag ibig nga naman." Pang aasar ni Jam sa binata.

"LOL, wala lang yon noh! Maiba ako, bakit parang ang tamlay mo? Nakukwento ka nga sa akin ni Pitchy eh, parati ka raw nagkakamali ngayon." Bigla nanaman nalungkot si Jam, naalala nanaman kasi nya ang taong dahilan kaya sya nagkakaganyan.

"Wala lang yon Kuya, huwag mong pansinin." Pagkatapos sabihin ni Jam yon ay biglang nagring yung phone ni Cleng kaya napahinto sila sa paglalakad, "wait lang Jam, tumatawag si Josh." Tumango lang si Jam, "Hello Josh? Oo nandyan lang yan, ingat kayo pauwi ha? Ingatan mo yang Ate Pitchy mo. Sige ihahatid ko pa kasi si Jam sa may kanto. Sige bye na!" Binaba na ni Cleng ang phone nya at nilingon si Jam, "tara na Jam, gabi na rin."

------------
"Bes! Ang hirap naman nitong Statistics" pagmamaktol ni Jam kay Note habang abala ito sa pagbabasa ng libro. "Easy lang yan, pag aralan mo pa." sagot naman ni Note habang nakatuon parin sa librong binabasa ang attention nito.

Sinubsob ni Jam ang mukha sa mesa, "turuan mo ako... hindi ko talaga maintindihan. Yung teacher kasi namin yung pisara yung kinakausap." Inis na pahayag nito sa kaibigan, binaba ni Note ang hawak na libro sa mesa at itinuon kay Jam ang atensyon nito, "ganito yan oh" pahayag nito at inangat ni Jam ang kanyang ulo at nakinig kay Note.

"Note may tanong lang ako... nagkagusto na ba sa taong sa tingin mo ay impossible na mahalin ka nya?" tanong ni Jam kay Note kaya natigilan sa pagsusulat si Note.

Binitiwan nya ang hawak nitong ballpen at tumingin kay Jam, "Oo... sya nga ang dahilan kaya wala akong girlfriend eh." ngumiti nang napakalapad si Jam.

"Alam ko yang ngiting yan, Jam. Kukulitin mo nanaman nyan ako eh." binawi agad ni Jam ang ngiti nya.

"Balang araw... makikilala mo rin sya." sabi ni Note, "pag aralan mo nalang yang binigay kong problem sayo kaysa sa iniintriga mo ako."

-------------

Gaya ng sinabi kagabi ni Pitchy, ngayon na ang araw na malalaman nila ang kanilang kagroup sa band. Nakapaikot silang lahat habang naka Indian sit sila, "okay Cleng... Nandito na ba lahat ng drummers mo?" Tumango lang si Cleng, nalingon naman si Pitchy kay Baisen -ang kanilang bassist, "ikaw Baisen?" Tumango rin ito, "ikaw naman Note, nandito na rin ba lahat ng guitarists mo?" Si Note na best friend ni Jam ay isang magaling na guitarist. "Oo naman Ate Pitchy, magagaling yang maga yan." Pagmamayabang nito kaya binatukan sya ni Jam, katabi nya kasi.

Sa mga newbies ng banda ay may tig dalawang tinuturuan ang bawat mentors. "Ngayon bubunot na ako, ang unang banda ay sina..." Bumunot sya ng apat na pangalan sa box, "Sina... Daniel, Cath, Jerome at bilang drummer nila ay si Bel" Automatikong napatingin si Jam kasy Josh... "kaband ko sya" bulong nito sa sarili.

"Oh, magtabi tabi na yung natawag at ang mga hindi natawag alam nyo na ha? Kayo ang magkakagroup. Jun, Joon, Jam at Josh." Pahayag ni Ate Pitchy kaya nagsitayo sila at tabi tabi ang mga magkaband. Nang paupo na si Jam hinila sya ni Jun ang kanilang bassist, "tabi tayo Jam!" sambit nito kaya sumunod lang ito.

"Jam, makikitabi ako ha?" Lumingon sya sa binatang nakitabi sa kanya, "si-sige" utol na pahayag nito. Si Josh kasi ang nakitabi sa kanya. Ang lupit talaga ng tadhana, kung kailan umiiwas ka dun naman nilalapit sayo.

"Yan! Okay na, kayo kayo ang magsasama sa bawat practice para madevelope yung closeness nyo sa isa't isa. Sige yun lang magpray na tayo para magstart na tayo sa practice." Ibig sabihin lang non ay malupit talaga si Tadhana, walang patawad.

"Pray daw? Paano nyan katabi ko si Josh... Ibig sabihin mahahawakan ko yung kamay nya..." Pahayg ni Jam sa kanyang isip. Sa bawat nananalangin sila ay hawakan ng kamay.

"Oh, ano pa hinihintay nyo Jam? Pray na tayo." Napagalitan tuloy sila, dahan dahang linapit ni Jam ang kanyang kamay kay Josh at sa kauna unahang pagkakataon nagkahawakan na sila ng kamay. "Aw" Sabay nilang sabi, "Napano kayo?" tanong ni Jun. 

"Nakuryente ako nung hawakan ko yung kamay nya." paliwanag ni Jam.

"Ayieehhh, sabi ko na ba eh." pang aasar ni Jun naging dahilan para mamula si Jam.

--------------
Nakaupo lang sa bandang sulok si Jam habang nakasaksak ang earpads nito sa tenga nya. Linapitan sya ni Note, nakitabi sya kay Jam at tinanggal ang isang earpad, "bakit ka nagmumukmok dyan?" tanong ng binata kay Jam.

"Wala lang, pinakikinggan ko lang yung mga kantang itutugtog namin. Nakakahiya naman kasi kung magkakamali ako." Paliwanag nito sa binata.

"May itatanong sana ako sayo Jam." seryosong tanong ni Note. Pinatay ni Jam ang kantang kanyang pinakikinggan at tinanggal ang isang earpad, "ano yon bes?" tanong nya

"May crush ka ba kay Josh?" tanong ng binata kay Jam na nagpakaba sa dalaga.

Napatawa ng kauti si Jam, "anong klasing tanong naman yan Bes?" Tumingin si Note kay Jam, seryoso ang mukha nito.

"Huwag ka nang magkaila Jam, sa mga kinikilos mo palang at yung isang araw na umiiyak ka. Sya yung dahilan diba?" Pagdidiin ni Note kay Jam, hindi sya makasagot dahil totoo naman diba?

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon