•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
It's my birthday today, and ilang oras nalang at matatapos na... Hindi pala lahat ng birthdays ay masaya, gaya ng birthday ko ngayon. Ang araw kung kailan pinatay ni Note ang pagkakaibigan namin. Hindi ko sya maintindihan kung bakit nya ginagawa sa akin 'to. Ano bang problema nya? Ang sabi nya walang magbabago, hindi naman nagbago ang pagtingin ko sa kanya ha? Pero sya mismo ang sumuway sa sinabi nya. Ang sakit... Lalo na yung mga sinabi nya sa akin kanina. Itinapon nya lahat ng pinagsamahan namin.Buti nalang nandyan si Josh kanina, hindi ko pa natanong kung bakit nasa park sya kanina. Sabi nga nila... People come and go. Totoo yon, kasi ganon ang nangyayari sa akin. Buti nalang rin ay pumunta sina Ate Pitchy, Kuya Cleng, Jun, Joon at Josh.
Kahit papaano ang naging masaya naman ang birthday ko. Ang sayang pagmasdan sina Ate Pitchy at Kuya Cleng kanina puro sila away bati. Sina Joon at Jun naman parang kambal kasi sa maliliit na bagay nagkakainisan sila. Si Josh naman, hindi sya tumugil sa pagsasabi ng mga words of encouragement to cheer me up. Sina mama at papa rin kanina, ang sweet talaga nila sa akin. Tama nga si Josh, maraming dahilan para maging masaya ako.
Sana masaya si Note sa ginagawa nya sa akin. Sana hindi nya pagsisihan ang kalokohang ginagawa nya sa akin. Kasi ako, nagagalit ako at naiinis sa kanya. Kahit anong gawin kong kakaisip at bali baliktaran ko lahat ng nangyari... Hindi ko parin sya maintindihan. Hindi sapat na dahilan ang pagtanggi ko about sa love nya at ang sabi naman nya kahapon... Tanggap nya.
Happy birthday sa akin... I pray Lord na maging maayos na ang lahat. Kayo na po ang bahala kay Note.
§SL
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Ficção AdolescenteMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...