~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪
Jam's point of viewFrom: Kutong lupa
Jam, magpapakilala na ako sayo. See me at room 101.The day before yesterday ko sya sinabihan na magpakilala sa akin, ang mystery texter ko. Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako, pupunta ba ako? Baka kung sino sya na may balak sa aking masama. Kakatapos lang ng music class namin at lumabas na ako ng room nang makasalubong ko si Josh.
"Good morning, Jam." bati nya sa akin at huminto kami sa paglalakad.
"Good morning din. Tapos na ang klase mo?" tanong ko sa kanya at ngumiti sya
"Oo eh, pero may pupuntahan lang ako." saan kaya sya pupunta? Pupuntahan kaya nya si Via? "Jam? May naalala ka ba nung nilagnat ka?" tanong nya sa akin kaya napakunot ang noo ko.
"Wala, bakit? May nangyari ba non?" Tanong ko pero laking gulat ko nang hablutin nya ang kaliwang wrist ko at hinila nya ako kung saan.
Sumunod lang ako sa kanya sa paglalakad, hindi ko alam... Gusto kong huminto sa paglalakad at tanggalin ang pagkakahawak nya sa wrist ko pero hindi sumusunod ang katawan ko. Tumigil kami garden at inupo nya ako sa bench at nakitabi sya sa akin.
"Jam, ngayon na matino na ang pag iisip mo. Gusto ko sanang magpasalamat sayo." Napatingin ako sa kanya pero nakayuko lang sya habang pinaglalaruan ang ID nya.
"Para saan?" tanong ko at lumingon sya sa akin at umayos sya ng upo.
"Kung hindi dahil sayo hindi ako maliliwanagan sa mga bagay na nangyari sa buhay ko. I will talk to you straight, break na kami ni Via." Napatingin ako sa kanya at bakit?
Ngumiti sya at tumingin sya sa ibang direksyon, "tama ka... basta ang alam ko lang ngayon ay masaya na ako." tumingin sya sa akin kaya nag eye to eye kami. Gosh! Hinawakan nya ang kamay ko, grabe parang may kuryenteng dumadaloy sa mga kamay nya. "Salamat Jam, gusto ko sanang maging close friend ka. Gusto ko na lalo pa kitang makilala, tama sila Jun. Maraming bagay na magugustuhan ng isang tao sayo, kaya hindi na ako nagtataka na maraming humahanga sayo." Shete! Hindi ako makahinga sa mga sinasabi nya! Lord? Nasa dream land na po ba ako?
Tinanggal ko na yung kamay ko at ngumiti sa kanya, "You're welcome, Josh."
Napakamot ng ulo si Josh, "sorry ha? Ang corny ko." napatawa ako sa nasabi nya, "bakit?" dagdag na tanong nya.
"Wala, nakakatuwa ka lang." sabi ko at biglang tumunog ang phone ko.
Kutong lupa is calling...
"Josh? Sige ha? Mauna na ako, may pupuntahan kasi ako." Gusto ko pa syang makausap at makasama pero gusto kong malaman kung sino 'tong mystery texter ko.
"Sige Jam, okay lang. If you mind, pwede ka ba sa Friday? Wala rin naman tayong pasok. Ipapaalam kita sa mama mo and magpapaalam na rin ako kay Ate Pitchy." Is he asking me on a date? Stop it Jam, friendly date lang yon. Sabi nga nya diba gusto ka nyang maging close friend.
"Sige, I'll text you later. Sige Josh ha? Sorry I need to go." Nginitian ko sya at tumayo na ako, "okay lang, ingat." sabi nya at naglakad na ako papunta dun sa room na sinabi ng mystery texter ko.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...