•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Dear you,
Kanina, may nakilala akong isang lalake. Siguro mga 5'7 yung height niya, medyo maputi, may pagka- mysterious type. Nakita ko siya kanina sa library, pero mukhang pamilyar ang mukha niya. Parang matagal ko na siyang nakikita pero hindi ko alam kung saan.
May nangyari rin pala. Medyo hindi maganda ang araw ko ngayon. Sino ba naman ang magkakaroon ng magandang araw kung bibigyan kayo ng surprise long quiz ng teacher mo sa Trigonometry? Hindi man ako nakapag-review; ang hirap pa naman. Nakalimutan ko 'yong ilang mga formula. Putik ang hirap talaga!§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...