•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°
Dear you,
Ang sakit! Ang tanga tanga ko kasi! Akala ko wala na 'tong nararamdaman ko! Pero bakit ganon... Napagkwentuhan kasi namin ni best friend Note si Josh. Tapos dahil kaclose ni Note si Ate Pitchy nalaman nya na sinagot na pala kahapon nung babae si Josh. Nakikitawa lang ako kanina kay Note sa mga pinagkukwentuhan namin pero sa kaloob looban ko ay umiiyak na ako at hinihiling ko na lamunin na ako ng lupa. Crush? Hindi ko sya crush, dahil sya yung first love ko...Pagkatapos ng pagkukwentuhan namin ni Note ay agad akong pumunta sa wash room at doon umiyak bago pumasok sa first subject ko sa afternoon. Iniiyakan ko pero hindi naman naging kami... Iniiyakan ko pero hindi naman nya alam na nasasaktan ako sa mga ginagawa nya... Iniiyakan ko ang taong minahal ko ng patago kaya eto ako, nililibing ko ang sarili ko sa hukay na ako mismo ang gumawa.
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Roman pour AdolescentsMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...