♪Mu§ic 06

1.1K 56 2
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪

Naglalakad sina Joon at Jam sa corridor nang makita ng dalaga si Josh na mag isang nakaupo sa bench sa may garden. "Joon, mauna kana sa canteen. May kakausapin lang ako sandali." Tumango lang ito at iniwan na si Jam, tahimik lang si Joon pero pag nakaclose ko sya sobrang ingay nya. Magkasundong magkasundo si Jun at Joon parang kambal.

Naglakad papuntang garden ang dalaga at huminto sya ng paglalakad nang malapit na sya sa binata. Nakatalikod ang binata sa kanya, "lalapitan ko ba sya? Baka naman sungitan lang ako nito." bulong nito sa sarili.

Lumapit pa sya at umupo sa tabi ni Josh, "kamusta?" pagsisimula ni Jam. Napalingon si Josh sa kanya at ngumiti pero bakas sa mga mata nito ang lungkot.

"Okay lang naman." nakangiting sagot nito.

"Bakit pala hindi ka nagpractice kahapon? Yan tuloy kulang yung band natin." Tanong ni Jam, pero hindi nakasagot ang binata sa tanong ng dalaga.

"Josh, kung may problema ka... nandito ako bilang ka-kaibigan mo at bilang leader ng band natin." Sambit ng dalaga at ibinalin nalang ng dalaga ang attention sa mag bulaklak na nadito sa garden.

"Ganyan ba talaga kayong mga babae?" Napalingon si Jam sa binata pero daretso lang ang tingin ng binata sa may pond. "Na kung hindi kayo napagsabihan agad kayong nagagalit? Na konting bagay lang pinagseselosan nyo?" Pagkatapos sabihin ni Josh ang mga katagang yon ay napatingin sya ka Jam.

"De-depende." Matipid nyang sagot at umuwas ng tingin kay Josh.

"Depende? Ikaw ba, pag ikaw ang girl friend ko magagalit ka ba kung hindi ako nagpaalam sayo na may outing kami ng mga kaibigan ko?" shocks! Kung ako daw girlfriend? Wish ko lang!

"Ku-kung a-ako?" utal na tanong ni Jam habang tinuturo ang sarili. "Oo" daretsong sagot ni Josh.

"Ku-kung ako man, hindi kita papagalitan. It's your life, Josh. Hindi ko hawak ang buhay mo, siguro yung ibang desisyon mo at mga plano mo sa buhay I could help for that. Pero girlfriend mo lang ako at wala akong karapatan na pigilan at sakalin ka sa mga bagay na gusto mong gawin sa buhay. Hahayaan kita sa gusto mong gawin sa buhay kasi dun ka masaya pero ang pinakikiusap ko lang huwag kang mag loko." pagpapaliwanag ni Jam kaya napatawa si Josh.

"Oh, bakit?!" pagtatakang tanong ni Jam sa binata.

Tumigil sa pagtawa si Josh at lumingon sa dalaga, "wala lang, ang swerte naman ng magiging future boyfriend mo." napangiti si Jam sa nasabi ni Josh.

"Bakit mo naman nasabi?" tanong ni Jam.

"Hi-hindi ko alam, basta sa mga sinabi mo. Nakikita ko na magiging masaya kayong dalawa, Jam." Nalungkot nanaman si Josh.

Tumingin ulit ito sa may pond, "hindi kasi ako nakinig kay Ate, sa totoo lang nagkamali ako. Dapat kinilala ko muna talaga sya, kasi ngayon mahigit isang buwan palang ang nakakalipas nahihirapan na ako." Napakunot ang noo ni Jam sa mga naririnig sa binata.

"Paano ko naman nasabi yan?" tanong ni Jam, habang pinaglalaruan ang librong hawak nito.

Napabugtong hininga ang binata bago nagsalita, "maraming bagay na mahirap sagutin lalo na kung mismo sa sarili mo hindi mo maintindihan. Nagmadali kasi ako, kung bang naghintay ako sa tamang panahon na ibibigay ni Lord, siguro hindi ako nahihirapan ng ganito." pagpapaliwanag ni Josh.

Tinapik ni Jam si Josh sa balikat, "Josh, hindi ibig sabihin na nakapayong ka pag umuulan hindi ka na mababasa. Parang pag ibig lang yan, hindi porque sinabi nya na mahal ka nya hindi ka na masasaktan." umupo ng maayos si Jam at humarap kay Josh.

"About dun sa perfect time, ako naniniwala ako don kasi tamang tao sa maling panahon, maling tao parin yon. Kaya dapat right person in right time. Kaya... Ikaw lang ang mamasagot sa sarili mong tanong Josh, kaya mo yan. Hindi pa huli ang lahat." nakangiting pahayag nya kay Josh.

"Salamat, Jam." ngayon makikita mo sa kanyang mga mata ang saya.


----------------
"Saan ka ba galing? Kanina pa kita hinihintay, gutom na gutom na ako." pagrereklamo ni Joon sa kanya.

Umupo ang dalaga sa upuan katapat yung kay Joon, "sorry na... may inayos lang ako." nakangiting sabi ng dalaga.

"sus, inayos daw. Baka lalaki yam ha?" pang aasar nito.

"Walang lalaki sa buhay ko." dipensya nya, inayos nya yung pagkain nya at nagsimula na silang kumain.

"Eh si Note?" tanong ni Joon kaya napatigil sa pagkain si Jam, binitawan nya yung fork and spoon at pinagdikit ang mga daliri nya at nangalumbaba sya.

"Joon, best friends kami non. Tska kung kinukwesyon nyo yung pagkakaibigan namin, problema nyo na yon. Ilang araw na nga akong hindi pinapansin ng mokong na yan eh." pagpapiwanang nya at kumain na sya ulit.

"I'm just kidding Jam, alam ku naman yon. Ligawan kita gusto mo? Para may lalaki na sa buhay mo." tanong ni Joon kaya nabilahukan si Jam.

"Ay, so-sorry. Tubig oh." inabot nya sa dalaga ang juice.

"Adik ka! Kapatid na nga turing ko sayo. Kung manliligaw ka, busted ka kaagad." Sabay tawa nito.

"You're so mean, Jam. Pero pag nyan si Josh yung manl--" tinakpan agad ni Jam yung bibig ni Joon kasi nasa likod lang pala ng binata si Josh. Buti nalang kakarating nya palang.

"Mukhang pinag uusapan nyo ako ha?" Tinanggal ni Jam ang kanyang kamay at parang tuod si Joon nang marinig si Josh. "Hehehe, wala lang yun Josh. Namiss lang kita." palusot ni Joon kaya napailing nalang si Jam.


------------
"Hello? Nandyan po ba si Note?" tanong ni Jam sa kabilang linya. Nasa bahay na ang dalaga at tinatawagan nya si Note pero nakapatay yung phone nya. Hindi nanaman kasi nagpakita si Note kay Jam.

"Hm, wala pa sya. Hindi ko alam kung nasaan sya ate eh. Sorry po." Pagkadismaya ang nararamdan ngayon ni Jam, "Sige, salamat Livie. Text mo ako pag nakauwi na kuya mo ha?" binaba na nya yung tawag nya.

Umupo sa gilid ng kama si Jam, "ano kayang problema non? Sana naman... Hindi nya kalimutan..." at napabugtong hininga nalang sya at humiga na sya sa kama.

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon