•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•°•
Dear you,
Bakit ba hindi ka maalis sa isipan ko? Anong gayuma ba ang ginamit mo sa akin? Sa mga tingin mo parang nawawala ako sa sarili ko at sa mga ngiti mong nagpapangiti rin sa akin. Alam mo ba napaniginipan kita, tapos 'yong senaryo naman... Gusto mo raw ako. Ang panaginip na 'yon na ayaw ko nang matapos pero panira yung cellphone ku kasi nag-alarm na. Sana hindi lang sa panaginip mangyayari sa ating dalawa 'yon... sana pati rin sa totoong buhay.Pero panaginip nga 'yon... malabong magustuhan mo ako. Ang masakit na kototohan na ang hirap matanggap.
Ps. Sana maulit muli ang pag-uusap natin, tahimik ka kasi kaya nakakahiyang kausapin ka. Baka kapag kinausap kita, parang akong nakikipag-usap sa pader.
§SL

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...