~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪
"Jam, anak? Kamusta na pakiramdam mo? Papacheck up na kita bukas ha? Ano gusto mong kainin?" pahayag ng Mama ni Jam habang hinihimas ang ulo ng dalaga.
"Ma, nahihilo parin po ako." daing nito sa kanyang mama. Nakahiga ito sa kanyang kama, pinta sa kanyang mukha ang sakit na nadarama nito. Pangalawang araw na ng lagnat nito, "anak... Paano kang hindi mahihilo at mangangalambot? Eh puro ka higa at tulog, minsan tumayo ka naman at kumain." Mahinahong pahayag ng kanyang Mama.
"Gusto ko matulog ma..." tsaka nya itinago ang sarili gamit ang kanyang kumot.
"Bahala ka, hindi ka muna nyan makakapasok ng matagal. Tawagin mi lang ako kung may kailangan ka ha, anak?" tska sya na lumabas ng kwarto nya ang kanyang ina.
-----------
"Sabi na nga ba eh, kaya hindi pumapasok at hindi nagpapractice kasi may lagnat." pahayag ni Jun sabay inom ng juice."Bakit? Manghuhula ba tayo para hulaan nalang na basta basta kung anong nangyayari sa kanya?" dismayadong komento naman ni Joon
"Yun nga eh, pero tignan mo man nyan. Sya pa yung magagalit sa atin." sabay inom habang may kasamang pailing iling ng ulo.
"Tama ka don, Jun." pagsang ayan ni Joon.
"May pasok ka pa mamaya?" tanong ni Jun kay Joon.
"Wala na, bakit?" balik na tanong nito
"Pumunta tayo kina Jam, ano? Game ka?" Tumango si Joon at tumayo na silang dalawa at naglakad palabas ng canteen nang makasalubong nila si Josh.
"Oh paring Josh!" bati ni Jun at sabay hakbay sa binata. "Bakit?" pagtatakang tanong ni Josh.
"Pupunta kami ngayon kina Jam, nilalagnat daw. Sama ka?" Pahayag ni Joon.
"Ganon ba? Sige sama ako." Sagot ni Josh.
----------------
"Anong masarap na prutas para sa taong may lagnat?" tanong ni Jun habang hinahawakan ang mga prutas na naka display sa bilihan ng prutas.
"Bilhan nalang natin sya ng grapes, apples, oranges, at..." hindi nya tinapos ang sinasabi kasi nagtinginan sina Joon at nakangiti nang nakakaloko si Jun. "At kayo suggestions?" tuloy na sabi nito.
"Sige yun nalang tsaka dagdagan nyo na rin po ng banana. Yun nalang no? Binilhan na natin din sya ng pineapple juice at bulaklak kanina." sabi naman ni Joon.
-------------
"Mga iho, halikayo sa kwarto nya. Natutulog kasi, buti nalang dumating kayo... Aalis sana ako, pupunta ako ng super market at walang maiiwan para kay Jam." paliwanag ng mama ni Jam sa tatlo habang naglalakad sila papuntang kwarto ni Jam. Binuksan ng mama ni Jam ang pinto at isa isa silang pumasok.Nilapag ni Joon ang mga pineapple juice sa sahig habang si Jun naman ay nilapag ang mga prutas sa side table ni Jam at yung mga bulaklak naman ay nilagay din ni Josh sa side table ni Jam at nag siupo na sila sa couch.
"Tita, okay lang po yon. Kami na po bahala kay Jam at dito sa house ninyo." nakangiting pahayad ni Jun.
"Nako ang babait nyo naman, feel at home mga iho ha? Kayo na muna bahala kay Jam." masayang sambit ng mama ni Jam.
"Opo Tita" sabay sabay nilang sambit.
Lumabas ng kwarto ang mama ni Jam at naiwan ang tatlo na tahimik."Ang peaceful naman matulog ni Jam." nakangiting sambit ni Joon habang nakatitig kay Jam na mahimbing na natutulog.

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...