~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪
Mabagal na naglalakad si Jam sa corridor yakap yakap ang mga libro nya. Para syang lutang na hindi mo mawari kung anong tumatakbo sa kanyang isipan. Nabitawan nya ang kanyang apat na libro nang mabangga sya ng isang binata, sabay silang yumuko para makuha ang mga nalaglag na libro. "Sorry hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko" paghingi ng dispensa ni Jam sa binata.
Tumayo na sila at nang iyabot ng binata sa kanya ang mga libro, automatikong nabigla ang ekspresyon ng mukha nya, "ayos lang yon, okay ka lang ba?" tanong ni Josh sa kanya.
Tumango lang si Jam at kinuha nya agad yung mga libro, "Josh!" napalingon sila sa babaeng tumawag kay Josh at agad itong lumapit kay Josh, kumapit sa braso ng binata at hinalikan ni Josh sa noo yung babae sa harap mismo ni Jam. "Jam si Via pala, girlfriend ko. Via si Jam kaband ko."
"So... ikaw pala si Jam. Nice to meet you." nakangiting saad ni Via pero nginitian lang ni Jam ang dalaga... Kung may ngiting tagumpay may ngiting plastic rin.
"Hi po, sige Josh una na ako late na kasi ako." tumakbo palayo sa kanila si Jam. Mas mabuti nang layuan at iwasan ang mga bagay na nakakasakit sayo.
Lumiko sya sa ibang daan at tumigil ito sa pagtakbo at sumandal sa pader, "sana madali lang na iwasan sya, sana madali ring kalimutan yung nararamdaman ko para sa kanya. Sana madali rin na kalimutan sya, bakit ako nagkakaganito? Bakit naging tanga ako nang dahil sa kanya? " Hindi nya namalayan na kusang umaagos ang kanyang luha. Kinakabog nito ang upper chest nito kasi nahihirapan na syang huminga dahil sa pag iyak. "ang sakit..."
---------
"Jam? Anong nangyari sayo?" dahan dahang bumangon si Jam sa bed dito sa clinic."Nasaan ako?" gulong gulong tanong ni Jam kay Note.
"May nakakita raw sayo na walang malay kanina sa corridor. Napano ka ba? Hindi ka ba kumakain at natutulog?" Pag aalalang tanong ng binata sa kanya.
"Ayos lang ako, hindi ko alam..." magulong sagot ni Jam sa kanya.
Napakamot ng ulo si Note sa mga sinasagot sa kanya ng dalaga, "ewan ko sayo Jam. Ikaw lang ang may alam kung ano ang nangyayari sayo. Best friend mo naman ako diba? Bakit hindi mo sabihin sa akin? Bakit ka nagkakaganyan?" Halong inis at pag aalala ang sambit ng binata kay Jam pero habang sinasabi nya yon ay namumuo na ang mga luha ni Jam.
"So-sorry" tanging sambit ng dalaga at tinakpan ni Jam ang kanyang mukha sa pamamagitan ng kanyang palad.
"Uy, bakit ka umiiyak?" pag aalalang tanong ni Note. Tumayo si Note at nilapitan ang dalaga at niyakap nya ito.
"Tahan na, sorry kung may nasabi man akong nakasakit sayo. Alam mo namang nag aalala lang ako eh." yakap yakap nya si Jam habang hinahagod ang buhok ng dalaga.
"Kung ano man yang kaya nagkakaganyan, kaya mo yan Jam." hinarap ni Note ang dalaga sa kanya, hinawakan nya sa magkabilang pisngi si Jam at pinahiran ang luha nito, "eto ang tatandaan mo Jam, nandito lang ako... Hindi kita iiwan..." at hinalikan ni Note sa noo si Jam.
----------
Pagkatapos ng class hours nila ngayong araw na ito, may practice sila pero napagdesisyon nya na hindi muna sya pupunta ngayon. Palabas na sya ng gate nang may tumawag sa kanya, "Jam!" sabay na napalingon si Jam sa taong tumawag sa kanya at nang makita nya ito, humarap ulot ito sa dinaraanan nya at nagsimula ulot sya maglakad."Huy, Jam!" Tawag ulit nung taong tumatawag sa kanya pero hindi man lang pinapansin ni Jam. Tumakbo ang binata papunta sa direksyon ni Jam at nang naabutan nya ito, hinawakan nya sa wrist kaya napahinto sa paglalakad si Jam.
"Iniiwasan mo ba ako?" tanong ng binata sa kanya. Napatingin si Jam sa kamay ng binata na nakahawak sa wrist nya. 'Bakit mo ba ako pinahihirapan ng ganito?'
"Hi-hindi kita iniiwasan, nagmamadali kasi ako." Sagot ni Jam.
"Okay ka na ba?" tanong ng binata sa kanya. Tumango lang sya may sasabihin pa sana si Josh sa kanya pero may biglang tumawag sa kanya.
"Josh!" tawag sa kanya ni Jun, lumapit sya kina Jam at hinakbayan si Jam.
"Anong meaning nyan Josh?" tanong ni Jun sa kanya, agad namang tinanggal ni Jam ang kamay ni Josh.
"Wala" matipid na sagot ni Jam.
"Kayo ha? Baka..." mang aasar pa sana si Jun nang nagsalita si Jam
"May girlfriend sya Jun. We're just strangers... He never know me, perhaps. Sige mauna na ako. Excuse me." Tinanggal ni Jun ang pagkakahakbay kay Jam at naglakad palayo si Jam sa kanila.
"Napano yon?" pagtatakang tanong ni Jun kay Josh.
"Hindi ko nga alam eh, minsan nga hindi ko sya maintindihan. Minsan pinapansin nya ako minsan hindi." Dismayadong pagpapaliwanag ni Josh.
Hinakbayan ni Jun si Josh, "pabayaan mo muna sya Josh, tara na punta na tayo sa practice baka maGMRC nanaman tayo kay Ate Pitchy. Ang sungit talaga ng kapatid mo no?" nagtawanan lang sila at naglakad papuntang sakayan.
----------
Kinagabihan, tahimik lang si Jam habang pinagmamasdan ang kanyang diary. "Sabi nila, pagsinusulat mo ang mga bagay na hindi mo masabi at mailabas... Gumagaan daw ang nararandaman mo. Pero bakit hindi ko nararandaman?" tumulo ang luha ni Jam at pinahiran nya ito.Binuksan ni Jam ang kanyang Diary, binasa nya ang ilang pahina na pinagsulatan nito. Napangiti ito ng mapait nang mabasa ang ilang isinulat nito. "Ang tanga ko... Sobrang tanga ko." pahayag nito habang nakangiti nang mapait.
"Lahat nang sinulat ko rito ay puro kalokohan, puro kabaliwan... Puro katangahan... Pinakita na mismo sayo Jam, sa harapan mo na may mahal na syang iba." Tinikom ni Jam ang kanyang kamao kasabay ng kanyang pagluha.
"Tama na... Tama na Jam... Maawa ka na sa sarili mo. Huwag mong saksakin ang sarili mo..." Isinubsob ni Jam ang kanyang mukha sa study table nito. Hagul gol sa pag iyak ang tanging alam na solusyon ni Jam para mahibsan ang kanyang nararandamang sakit.
Inangat ni Jam ang kanyang ulo, kumuha sya ng ballpen sa maliit na drawer. Binuksan ni Jam ang susunod na pahina na pagsusulatan nya, "panahon na ba para kalimutan ka?"

BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...