♪ ♬ Mu§ic 09

994 48 2
                                    

~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪

Maraming bagay ang nangyayari sa ating buhay na hindi natin kagustuhan. Mga bagay na masasakit na kulang nalang ay sumuko kana... Isang dalaga na sinusubok ng tadhana, pero ano nga ba talaga ang mangyayari sa kanya?

"HAPPY BIRTHDAY JAM!" Bati ng kanyang mga kamag aral pagkatapos nila itong awitan ng Happy Birthday song. Tumayo ang dalaga sa kanyang kinauupuan, "thank you" masayang pahayag nito.

----------------

"Jam!" pasigaw na tawag nina Joon at Jun sa kanya habang naglalakad ito sa corridor. Lumingon ito sa mga binata at huminto sa paglalakad, "bakit?" tanong nya nang nakalapit na ang dalawa sa kanya.

"Gusto lang sana naming ibigay 'to sayo." inabot ni Jun ang isang box na may katamtaman ang laki na nakaribbon ng kulay blue.

Kinaha ito ng dalaga, "ano 'to?" tanong nya.

"Kung sasabihin din namin sayo kung ano ang laman nyan edi sana hindi na namin linagay sa box?" Masungit na sagot ni Jun habang nakabit balikat.

"Pagpasensyahan mo na 'tong si Jun ha? Na bad trip yan kasi hindi sya nagising ng 12 am para igreet ka." tska ito tumawa kaya binatukan ito ni Jun, tumawa lang si Jam sa nakikita nya.

"Wala namang kaso sa akin yon. Salamat pala dito ha? Sige mauna na ako. Thank you ulit."

-------------

Masayang naglalakad papuntang sakayan si Jam pero medyo makulimlim ang kalangitan at mukhang uulan ata, nakita nya si Note na mag isang naglalakad sa kabilang daan. Tumawid ng daan si Jam para malapitan ang binata. "Note! Tawag ni Jam sa kanyan pero imbes na huminto ito sa paglalakad ay lalo nyang binilisan. Sinundan ni Jam si Note nang makarating sila sa may park.

"Note! Sanadali lang oh." tumakbo si Jam at hinablot ang braso ng binata.

"Ano bang problema mo ha?" tanong ng dalaga sa kanya pero hinawi lang ni Note ang kamay ng dalaga na kinagulat nito.

"Pwede ba Jam, tigilan mo na ako." Kumunot ang noo ng dalaga sa narinig nito.

"Note? Ano bang nangyayari sayo? Akala ko ba--"

"Tama na, Jam. Huwag mo nalang akong kausapin pa." Tumulo ang mga luha ng dalaga.

"Note, ang sabi mo diba na walang magbabago? Eto ako oh, wala naman nagbago kahit na iba na ang nararamdaman mo." Hinawakan ni Jam sa magkabilang kamay si Note.

"Best friends tayo diba? Ang sabi mo walang iwanan... Ang sabi mo hindi mo ako iiwan" napayuko si Jam at patuloy parin ang pag agos ng kanyang luha, "ang sabi mo hindi mo ako papabayaan... Pero ano 'tong naririnig ko galing sayo?" hinawi ulit ni Note ang mga kamay ng dalaga.

"Jam, akala ko kaya kong gawin yon pero nagkamali ako. Sorry, kalimutan mo nalang ako at kalimutan mo nalang ang mga pinangako at sinabi ko sayo. Isipin mo na lang na wala kang nakilala na Note at naging best friend." tumalikod ito sa kanya at naglakad pero humarang ang dalaga sa daraanan nito.

"Akala mo ba ganon lang kadali yon?! Note, ikaw ang nakasama ko simula nung bata tayo, ikaw yung taong nagpapasaya sa akin kapag nalulungkot ako o may problema, hindi mo ako iniwan, parati kang nandyan para sa akin tapos ngayon sasabihin mo na kakalimutan nalang kita? Hindi magiging hadlang yung nararamdaman mo para sa akin Note. Bes, please huwag naman ganito." Sa bawat salita na sinasambit ni Jam kasabay nito ang pagdaloy ng kanyang luha. Nakatingin lang sa ibang direksyon si Note na para bang wala itong naririnig.

Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon