Author's note: Play ninyo yung multimedia para mas feel yung mga scenes. Sana magustuhan ninyo. Love you guys!
~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪
'Never ignore a person who loves you, cares you, and misses you, because one day, you might wake up and realize... You lost the moon while counting the stars.'
~~~~~~~~~~~~~~~~~~~'
Note, please hold on.' Pagkatapos at pagkatapos nitong maligo at magbihis, dumiretso na sya ng hospital. Talagang mapagbiro ang tadhana... ano ba talagang nangyari kay Note?
----------------
Jam's point of view
Ano bang nangyari sa kanya? Bakit sya nasa hospital?! Dumiretso ako sa emergency room dahil sabi ni Livie malubha daw ang kalagayan ni Note.
Nang makarating ako ng ER nakita kong nakatayo ang Papa nya at nakaupo si Livie. Dahan dahan akong lumapit sa kanila, "Tito? A-ano po ang nangyari kay Note?" nagka-crack na naman ang boses ko.
Lumingon sa akin si Tito, "Jam... malubha ang kalagayan ni Note. May nakakita sa kanya malapit sa school nyo, binugbog sya at may saksak sa katawan. Hindi ko alam ung sino ang may gawa nito sa kanya." nagka crack na rin ang boses ni Tito at pinipigilan lang nito na maiyak.
Napatakip ako ng bibig at napapikit kasabay ng pagpatak ng luha ko, niyakap ako ni Tito. "Jam, mahal na mahal ka ng anak ko." Lalo akong napaiyak sa sinabi ni Tito.
"Ate Jam?" kumalas ako sa yakap ni Tito at tumingin kay Livie.
"Bakit Livie?" tanong ko, pero hinawakan nya lang ako sa wrist at naglakad sya. Sumunod lang ako sa kanya at pumunta kami sa garden ng hospital at umupo sa bench.
"Ate... Bakit mo pinabayaan si Kuya Note ko?" mariin nyang tanong sa akin. Tumayo ako at lumuhod sa harapan nya at hinawakan ang mga kamay nya.
"Look at me, wala akong alam sa nangyayari sa Kuya Note mo. I tried to talk to him pero hin--"
"He is in danger now because of you!" para akong binuhusan ng malamig na tubig sa sinabi nya.
"A-anong pinag sa-sabi mo, Livie?" utal na tanong habang nagsisiunahan na tumulo ang mga luha ko. Hinawaki nya ang mga kamay ko kaya napaupo ako sa sahig.
"Dahil sayo kaya nanganganib ang buhay ni Kuya ngayon." umuling ako at hinawakan ang mga kamay nya. Umiiyak na rin sya gaya ko, naguguluhan ako. Ano ba talagang nangyari?!
"I hate you!" tumayo ako at niyakap sya pero pilit nya kong nilalayo sa kanya. "Kasalanan mo ito! Ka-kasalanan mo la-lahat!" napapikit nalang ako at niyakap sya ng mahigpit. Sorry...
Tinulak nya ako ng malakas at tumakbo sya palayo sa akin, "Livie!" pero hindi man lang nya ako nilingon. Napaupo ako sa bench, tinikom ko ang mga kamao ko habang nakayuko.
"Bakit ako ang sinisisi ni Livie? Bakit?" ano ba ang kasalanan ko? Sino ba ang may gawa nito? Napapitlag ako sa kinauupuan ko ng may humawak sa balikat ko. "Jun?" tumayo ako at niyakap sya.
"Ano bang nangyari sa kanya? Sabihin mo sa akin?" niyakap lang nya ako ng mahigpit.
"Shhh... Tahan na Jam." kumalas sya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang magkabila kong balikat, "Jam? Gusto mo bang malaman ang lahat?" tumango lang ako.
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Ficção AdolescenteMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...