~♪٩๛♪ ♬ ヾノ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪~♪٩๛♪ ♬ ヾノ ♬ ♪
"What is the meaning of love?" Ano nga ba talaga ang meaning ng love? Para sa akin... Love is like heaven but can kill you like hell.
"Nag research ako at nag interview ng ilang kabataan. Ito yung ilang sagot na nakolekta ko. Sabi nung isa ang pag ibig daw ay parang bayad sa jeep, minsan hindi kana nasusuklian." Nag react lahat ng mga kabataan na nakikinig sa preaching ng isang Youth Pastor pwera lang kay Jam na tahimik na nakikinig.
"Ohh, sandali lang eto pa. Sabi nang iba ang pag ibig daw ay parang exam! Kung wala kanang masagot isulat mo lang daw ang MAGMAHAL dahil hindi daw naging mali ang mag mahal" Napangiti ng mapait si Jam sa nasabi ng preacher, "mali ang magmahal ng taong may mahal ng iba." Bulong ni Jam sa sarili, nandito sa church si Jam, youth gathering kasi nila.
"Woahh!" Komento ng mga kabataang nakikinig, pero tahimil paring nakikinig si Jam.
"Eto pa, sabi nila ang pag ibig daw ay parang coke! Minsan sakto lang minsan zero. Yan ang mga ilang bagay na iniisip ng ibang tao, marami pa silang sinabi about sa meaning ng love pero ano nga ba ang totoong meaning ng love? Let's back for being spiritual " tanong ng preacher.
"Ikaw Jam, para sayo ano ang meaning ng love?" Tanong ni Note sa dalaga, napalingon sa kanya si Jam, "love is something that you wishing for but it's hard to find the true meaning of love... Lalo na kung nasaktan ka." Binalin ulit ni Jam ang tingin sa preacher.
"Woah! Ang deep mo naman Jam, bakit nasaktan kana ba?" tanong ni Note sa kanya.
Napangiti si Jam habang nakatitig parin sa Youth Pastor, "lahat tayo nasasaktan, tao kasi tayo. Hindi tayo robot para hindi makadama ng sakit." Napatahimik si Note sa nasabi ni Jam kaya nakinig nalang sya sa message na sinasabi ng Youth Pastor.
"I will read this verse, alam kong alam nyo na 'to. In book of John, chapter 3 verse 16 'For God so loved the world that he gave his one and only Son, that whoever believes in him shall not perish but have eternal life.' Love is God and God is Love. First thing si 'Love is a decision and not based in feelings'" Panakunot ang noo ni Jam sa narinig nya.
"Paano ko nasabi yon? God died on the cross for us because He loves us, our God the Father decided to give his only son for our sake. For our salvation. It's a decision and not based on feelings. Our heart can deceive us for believing that you love this person. Nung highschool ako, sabi ko kay Lord. 'Lord! Mahal ko na talaga sya, hindi po talaga ako nagkakamali. She is destined for me and please Lord I want her in my life!' Tapos after 10 years nag reunion ang batch namin tapos nagkita ulit kami ang sabi ko kay Lord, 'Lord buti nalang hindi mo pinakinggan yung panalangin ko." Natawa lahat ng nakikinig sa kanya at sa oras na ito nangiti narin si Jam.
"Minsan kasi sinasabi natin sa ating sarili, 'I love this person kasi pag kasama ko sya nagiging masaya ako, nagiging kompleto ang araw ko, may nakakaramay ako sa tuwing may problema ako, pero kung yon ang basis ninyo that's not a true love. Dahil ang meaning lang non ay nagiging selfish kana. Ang totoong pag mamahal ay hindi mo inahangad ang bagay na hinahanap mo to fulfill the emptiness in your heart." Seryosong nakikinig si Jam sa kanilang Youth Pastor habang sa isang banda si Josh na nakikinig rin sa Pastor.
Napatingin si Jam sa lugar nila Josh, may 8 rows ang nakalagay sa harap ng preacher at nakatayo ang preacher sa stage. Sa baba ng stage sa bandang sulok ay may 2 upuan kung saan nakaupo si Josh at Cleng dahil sila ang na asign sa projector. Nasa pangalawang row si Jam kung saan kitang kita nya si Josh. Mahigit isang buwan na ang nakalipas simula nung mapag isipan ni Jam na kalimutan ang nararandaman nya para kay Josh. Sa loob rin ng isang buwan naging mas magaling ito sa pag tugtog ng keyboard.
Kitang kita nya rin ang bawat ngiti ng binata sa pag sang ayon sa mga sinasabi ng Pastor.
Binalin nya ulit sa Pastor ang kanyang attention, "Nowadays, yung mga definition of love ganito, nagkatinginan lang kayo... Inlove kana? Minsan sinasabi mo rin na, 'may spark po kasi eh yung may kuryente nang hawakan ko ang kamay nya.' Yun tayo eh, nung minsan nga bumili ako sa tindahan tapos nung iabot ko yung bayad na koryente ako, inlove na ba ako non? Static Electricity lang yon. Eh Pastor whenever I see her/him, there are butterflies in my stomach. Nako bro/sis... Diatabs lang ang kailangan mo." Super relate si Jam sa pinag uusapan dito sa church nila.
"How will you know if it's base in decision and by feelings? Una kailangan mo nang council, you need someone to help you. Then if there is a decision, you take it slow hindi yung sigi ka nang sigi. Alam nyo yung kanta ni Yeng Constantino? Yung title ay Pag ibig? Sa kantang yon pinapakita na what is love. And if you really love this person, you decide to wait for God's Perfect time."
"Being inlove is a decision, pag sinabi mong mahal mo. That's it, I love her. No other explanation. God's only answer why he died for us and live again after that 3 days because HE LOVES US."
"When you made a decision to love a person the feelings will just follow. God decided to love the world, there is no lovable in this world. Even me and you, lahat tayo may kapintasan. Lahat tayo ay hindi karapat dapat na mahalin pero God loves us even in our worst." Shocks, ang sakit non... Thank you Lord for loving me.
--------------
Pag katapos ng gathering nila ay agad na umuwi si Jam. Dumiretso sya agad sa kwarto nya para magpahinga. Binaba nya sa kanyang kama ang bag at umupo sya sa harap ng study table nya. Ipinatong nya ang kanyang siko sa mesa at nangalumbaba, "Hayyy" napabugtong hininga sya."Sobrang natamaan ako sa preaching kanina at sobrang nakatulong yon sa akin." Isang buwan narin ang nakalipas nang tinigilan nya ang pag susulat sa kanyang diary.
Umayos sya ng upo at binusan nya ang drawer ng kanyang study table at may kunuha itong isang bagay. Isang bagay na naglalaman ng lahat ng sakit na naranasan nya. "Isang buwan na ang nakalipas, pero nandito parin ang sakit at medyo kauting love siguro."
Binuksan nya sa pahinang huli nyang pinagsulatan, "masaya na ako kahit papaano. Naging mas close kami at naging mag kaibigan na talaga kami ni Josh kahit papaano. Ako rin yung leader nila sa band namin kaya yon, marami rin ang pagkakataong magkasama kami palagi. Alam mo yung feeling na yung sakit ay napapalitan ng saya. Yung saya na bunga ng pagtanggap ko sa sarili ko na hindi pala tayo para sa isa't isa." Kinuha nya sa kanyang bulsa ang isang maliit na box na kasing laki ng lalagyanan ng isang wrist watch pag nabili.
Binuksan nya ito ng dahan dahan, "Eto bagay na napulot ko non habang nasa beach kami last week. Isang shell, nung napulot ko nga buhay pa sya eh pero namatay rin kaya yung shell tinago ko. Yung kapares ng shell na ito ay gustong ibigay kay Josh, tanda ng pagkakaibigan namin. Gusto ko syang makasundo." Para syang baliw na kinakausap ang sarili nya. Ganyan talaga sya, mas pinipili nya na kausapin nalang ang sarili nya kaysa sabihin sa iba ang problema nya.
"Masaya na ako don, siguro yon na ang next entry ko sa diary ko ang friendship namin ni Josh. Masaya na ako don atleast kahit hindi nya ako mahal siguro mamahalin naman nya ako as his friend. Okay na ako don." Msayang pahayag nito sa sarili, maganda yan... Pinili mo ang pagkakaibigan kaysa sa love relationship. Dahil pag ang love ay nasira mahirap nang ibalik sa pagkakaibigan, pero ang friendship at ang tunay na pagkakaibigan ay mahirap hanapin.
Ilang sandali lang ay may nagtext sa kanya, "Sino kaya ito? Number lang eh..."
From: 09*********
Jam? Pasensya na ha? Kinuha ko kay Note yung number mo kasi gusto ko sanang magpasalamat sa ginawa mong pagtulong sa akin kanina nung nagkamali ako sa beat ko, sinuportahan mo ako. Salamat. Josh 'to
BINABASA MO ANG
Diary ni Ms. Silent Lover [Completed]
Teen FictionMapapansin pa ba o pamamanis na? Bakit ba ang manhid mo? Bakit ba nagpapakatanga ako sa katulad mo na wala naman pakielam sa akin? Bakit pa kita minahal? Ito ay kwento tungkol sa isang dalaga na umibig sa taong hindi siya mahal. Dinaan nito sa pa...