Preview

336 12 9
                                    

Multiverse theory.

Ang kaisipang posible ang lahat ng bagay kahit hindi natin iyon nararanasan. At kapag sinabi kong lahat ng bagay, ang ibig kong sabihin ay lahat ng bagay. Ang mundo kung saan dalawa ang ulo ng tao, at ang utak ang tumitibok. Ang mundong halaman ang hari at alipin ang mga isda. Ang mundong binabalot ng dilim ngunit iyon ang natural na tirahan ng lahat. Ang mundo kung saan pataas pumatak ang ulan at paakyat gumulong ang mga bato. Hindi yumayanig ang lupa, bagkus ay langit ang nabibiyak. Literal na bumabagsak ang mga bituin. Limang araw na ang Sabado't Linggo. Tatlo na ang buwan at dalawa ang araw.

Posible rin na ang mundo na kilala natin ay hindi lang iisa. Na maraming kopya ang mundong kinalakihan natin. At posible ring sa lahat ng kopya ng mundo ay sadyang may dalawang kaluluwang noong una pa'y pinagkaisa na ng kalawakan, sa iba't ibang mundo at panahon. Magkikita sila. At kakailanganin nila ang isa't isa.

Kilalanin natin si Emerson at si Leia.

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon