41. First-sight Love

15 1 0
                                    

It was a soft, rainy morning. Tulad ng dati, maaga akong bumyahe papasok para hindi ako abutin ng trapik. Pero, napaaga masyado ang pasok ko kaya kaunti pa lang ang tao. Well, at least kung saan madalas mag-umpukan ang mga estudyante.

It was refreshing. Dahil sa napakalaking punong nakasaklob doon, anggi na lang ng mahina na ngang ulan (hindi ambon) ang bumabasa sa mga tinabas na damo roon, daanang bato, sementong upuan at lamesa, at sa mga nakatambay nang oras na iyon.

Habang nililibot ko ang paligid ng paningin ko, nahagip ng mga mata ko ang isang babaeng nakatitig sa akin. Tinitigan ko siya nang ilang segundo at hinintay na umiwas siya ng tingin, pero hindi niya ginawa ang inaasahan ko. Ako pa tuloy ang umiwas dahil bahagya akong nahiya. Kinabahan din ako. Ganoon naman kapag may tumititig sa iyo e, o kahit man lang may makasalubong kang mata ng estranghero. Knowing you are being watched makes you anxious, at hindi ko alam kung bakit. Siguro mukhang ewan lang talaga kapag ganoon.

Gayunpaman, kahit naiilang ako, laging nagbabalik sa kanya mga mata ko. At lagi kong nakikitang nakatingin siya sa akin. Habang dumadalas ang pagsulyap ko sa kanya, lalong tumatagal ang pagsulyap ko sa kanya. At habang tumatagal ang pagsulyap ko sa kanya, lalong siyang gumaganda. Parang abstract painting na kung isang sulyap lang ang ibibigay mo e hindi mo maa-appreciate. Napangiti ako nang hindi sinasadya nang isang minuto ko na siyang tinitigan. Nilakasan ko ang loob ko at minabuting lapitan siya. Gusto kong makipagkilala sa kanya—bihira lang kasi ang tulad niya e, at ang pagkakataong iyon.

Pero, nang malapit na ako sa kanya, naglabas siya bigla ng salamin sa mata at sinuot iyon. Malabo pala paningin niya. Badtrip. Nagtuluy-tuloy na lang ako sa paglalakad palayo, dahil tumila na rin naman ang ulan.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon