3. Sana'y Mapansin

105 7 2
                                    

Wala pang prof, at mukhang maayos na quasi-beatbox ang rectangular wooden table ng mga accountancy students. Sinubukan mong mag-umpisa ng kung anu-anong beat lang, basta humampas lang nag mga daliri at palad mo sa nasabing lamesa. Hanggang sa nakabwelo ka at nag-umpisa nang kumanta.

"Nakita ka sa isang madilim na sulok..."

Hindi mo alam ang liriko, at sumabay ang kaibigan mo sa pagkanta mo. Nag-e-enjoy ka, kahit pa parang naiistorbo na ang mga kaklase mo.

"Dalhin mo ako sa iyong palasyo..."

Pagpasok ng chorus ay sabay na pagpasok ni Leia at mga kaibigan niya. Kinabahan ka, pero hindi mo iyon pinahalata, at pinilit mo ring itago na alam mo nang nasa loob na ang babaeng tinatangi mo. Nilakasan mo pa ang iyong pagkanta para ipalabas na nag-e-enjoy ka lang at hindi niya mapansing para sa kanya ka na kumakanta. "Maglakbay tayo sa hardin ng iyong kaharian...

"Wala man akong pag-aari, pangako ko habangbuhay kitang pagsisilbihan..." Sinilip mo siya at hiniling n asana ay hindi siya nakatingin sa'yo, dahil kung sakali man ay hindi mo alan ang gagawin. Pero...

Iyon si Leia, nakatingin sa'yo tagos sa lenseng nakaharang sa kanyang mga mata, nakangiti at nakikinig. "...O, aking prinsesa, ah..."

Mabilis siyang nag-iwas ng tingin, at pinilit mong tanggalin ang atensyon mo sa kanya, ngunit hindi mo magawa. Tumigil ka na sa pagkanta, dahil natanggap mo na ang gantimpalang hindi mo inaasahan pero hinahangad mo.

-end-

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon