5. Tinig

76 4 1
                                    

Delikadong lugar ang aking isipan. Huli ko nang nalalaman na pumasok na pala ako doon. At, heto nga, narito na naman ako. Naglalagalag. Nawawala. Nagtataka kung bakit, naghahanap kung saan, nagtatanong kung ano. Ang isang bagay, tutungo sa isa pang bagay, at tutungo pa iyon sa isa pa, at sa isa pa, hanggang tuluyan na akong maligaw, at pilit ko mang hanapin ang aking dinaanan, pilit ko mang balikan ang sinayaran ngpaa, hindi ko na muling marating ang lugarna iniwan ko na. bagkus ay makgagawa na naman ako ng panibagong tatahakin.

At nasa bagong lugar nga ako. May kapreho itong hangin ngunit iba ang nasa paligid, o ang paligid mismo ang iba. Para na akong nakarating dito ngunit alam kong bago lang ito. Gusto ko na sanang umalis sa lugar na ito pero sa tingin ko ay may kailangan akong hanapin. At iyon na nga ang ginagawa ko. Pero, habang dumarami ang nakikita ko, lalong lumalawak ang paligid na dapat halughugin.

At unti-unti na akong lalong naliligaw. Alam ko, dahil habang tumatagal ay lalong humahaba ang oras na ginugugol ko sa paghagilap sa daanang pinasukan ko kanina. At hanggang ngayon ay wala pa rin akong makita. Bakit ganoon? Noong hindi ko pa alam ang hinahanap ko ay bigla na lang iyon darating. Pero ngayon, ngayong alam ko na ang hinahanap ko ay hindi ko naman ito makita. At dahil doon, wala akong makitang iba.

Nakakatawa. Hindi ko pa alam ang tamang tanong pero alam ko na ang tamang sagot. Si Leia. Ang kilos niya. Ang ngiti niya. Ang tingin niya.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon