Sa bawat araw, maraming natatapos na mga bagay. Sa buong buhay ng tao, marami siyang masasaksihang katapusan. Pero, bilang tao, namalayan ko ring kapag may natatapos, may nagsisimulang panibago. Walang bagay na nawala ang masasabi kong nasayang, dahil kinailangan ang katapusan nila para sa simula ng iba.
Muli akong nagmahal. Si Leia Moran ang babaeng pumuna sa katangahan ko sa isang lumang pag-ibig, at siyang pumuno sa nabiyak kong puso. Siya ang muling nagbigay ng tibok sa puso ko. Siya ang dahilan ng muli kong pagngiti matapos at bago ako matulog. Siya ang babaeng natutunan kong mahalin pagkatapos ng masalimuot na pagmamahal. Pero, may kasalanan ako: Hindi niya iyon alam. Hindi niya alam na mahal ko siya, at wala akong kakayahang sabihin iyon sa kanya.
Naging duwag ako. Natakot na baka may magbago (at siguradong mayroon nga) sa pakikitungo niya sa akin kung sabihin ko sa kanya ang nararamdaman ko. Nangamba na baka tanggihan niya ang puso kong kagagaling pa lang. Baka kako wala pa ngang nag-uumpisa sa amin ay may matapos na kaagad. At iyon nga ang nangyari. Isang araw, nalaman ko na lang na may nobyo na siya.
Magsisimula akong muli.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
Roman d'amourSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.