39. What Love Is

20 1 0
                                    

Noong bata ako, ginawa ko ang gusto ko kahit hindi iyon ang kailangan kong gawin. Noong magbinata ako, ginawa ko na ang mga bagay na kailangan kong gawin kahit hindi iyon ang gusto ko. Heck, ang iba nga e kinaiinisan ko pa. Ngayon, simula nang mamuhay na akong mag-isa, ginagawa ko na ang kailangan dahil iyon ang gusto ko.

Ano ba ang kailangan? Hindi ko na palalalimin. Halimbawa na lang:

Noong bata pa ako, ang kailangan kong gawin ay mag-aral nang puspusan—studying hard. Pero anong ginawa ko? Edi 'yung gusto ko. Nam-bully ako. Nang-harass ng mga kaklase. At bumuo ng mga matitinding memoryang ngayon e hindi ko na maalala.

Noong magbinata ako, which is from the time na tinulian ako bago mag-Grade 6 hanggang sa makipag-break sa akin ang last girlfriend ko noong college, natutunan kong gawin through gradual (almost insidious) process, ang mga kailangan kong gawin kahit ayaw ko, tulad ng pag-aaral nang mabuti—studying well. At iyon ang minimum standard, kaya madalas pa rin ang pagsusunog ko ng kilay. Pero, hindi ko ginawa ang kailangan kahit ayaw ko para lang sa akin—ginawa ko lahat ng kailangan kong gawin para at dahil sa huli kong ex-gf. Pinagplanuhan ko na kasi yung buhay ko kasama siya. Kaso, ayun nga, hiniwalayan niya ako because of a change of heart. Nawasak lahat ng plano ko. Heck, nawasak ang kabuuan ko. Hindi ko na natapos ang kolehiyo. Pero tuloy pa rin ang buhay.

Ngayong namumuhay na akong mag-isa, kumbaga e young adult na, ginagawa ko na kung anong gusto ko dahil iyon ang kailangan. Ang passion ko na ang trabaho ko ngayon. Naging matagumpay akong manunulat...teka, mali. Naging matagumpay ang mga sinulat kong libro, at iyon ang nagpapanatiling nagbabayad sa inuupahan ko at sa araw-araw na gastusin, plus kalahati pa ng kabuuan kong royalty ang naiipon ko. Ang ilan sa naipon ko, I invested in stocks at naging player na ako sa stock market. Kahit hindi naka-graduate, may pakinabang pa rin ang mga pinaghirapan ko noon sa accounting. In hindsight, walang nasayang sa oras o effort ko.

Sa tingin ko, ngayon ay handa na akong bumuo ng pamilya. I mean, pwede na akong makabili ng sarili kong bahay at iba pang basic needs, at may sapat na rin akong ipon para mapag-aral magiging anak ko hanggang kolehiyo. Financially stable na ako. Nagbunga na ang mga pinlano ko noon, ang mga planong kasama sa picture si Nicole kahit ngayon ay wala na siya. Masaya naman ako sa natatamasa ko, kaso parang may kulang. Hindi naman ako malungkot, pero mas maayos sana kung may kasama ako ngayon na nauulanan din ng kung anong mayroon ako.

Sana lang e hindi ako nag-iisa.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon