1. Blameless

190 9 1
                                    

Timing. Fundamental concept 'yan na required sa lahat ng species para mag-survive. Pero merong iilang masyadong impulsive, kaya hindi nagtatagal nag-e-extinct sila. At kasama ako sa iilan na 'yon.

Ito muna ang istorya: Meron akong girlfriend—well, ex-girlfriend, at marami akong natutunan sa naging relasyon namin. Natuto akong magluto (pinilit niya 'ko), mamili ng kung anu-ano (lagi siyang nagpapasama sa mall), at magpasensiya (e.g. lagi niyang natatapakan paa ko 'pag nagsasayaw kami). Pero, sa dinamirami nang naituro niya sa'kin, may isang realization siyang pinakita sa'kin na tumatak nang husto sa puso ko: Hindi pa 'ko handa sa isang relasyon.

Lahat ng potential partner sa paligid ko ay itinuring kong hanggang kaibigan lang. May mga ilang nagparamdam, pero binaliwala ko lang. At, naging matagumpay ako sa paglayo sa isang relasyon. Hanggang sa makilala ko si Leia.

Noong una, itinuring ko lang siyang kaibigan, tulad sa iba pang babae. Walang kapilyuhan. Walang feelings. Walang anuman. Basta, simpleng kabatian lang. Na naging textmate. Na naging ka-close. At naging sobrang close hanggang sa dumating na sa puntong tinanong na niya 'ko kung ano na ba kami. "Kaibigan lang!" was my confident answer. Pero, sinong niloloko ko? E, 'takte, sa tuwing tinatawag niya pangalan ko nakukumpleto araw ko. Marinig ko lang boses niya alam kong siya na 'yun. Mahagip lang siya nang paningin ko tumatahimik na ang paligid. Pero, ayaw ko pang kumilos. Hindi pa 'ko handa.

Wrong timing ang tibok ng puso ko—at hindi ko na iyon kayang pasubalian pa. Kung tatanungin niya ulit ako kung ano kami, pasensyahan na lang; sasabihin ko na sa kanyang mahal ko siya.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon