33. Nakatagong Sulat

23 1 0
                                    

Meron akong weird na ginagawa 'pag nagkaka-writer's block ako: tumititig ako sa kawalan. Well, hindi siguro weird, relatively, para sa isang writer ang tumulala. Yung iba nga e kung anu-ano pa ginagawa. Pero ngayon, tumulala na ko't lahat pero wala pa rin, at hindi ko na alam ang gagawin ko. Naubos na ang gasolina ko. Kumbaga sa kotse, sa fume na lang umaandar ang sinusulat ko. Pero kailangan ko pa ring ituloy ang kotse ko. Kailangan kong itulak, kahit mas madaling alternatibo ang maglakad na lang.

Pero, nakabaon pa rin ako sa katotohanang may nakaharang sa'kin. Kailangan ko nang panulak. At minabuti kong magbasa ng mga pinaglumaan kong kotse.

Mga pinagtagpi-tagping parte, kinakalawang na mga makina, mga gulong na walang goma—hindi ko alam kung paano at bakit ko itinawid ang mga kwentong iyon. Pero nakatulong na ako muna ang umusisa sa sarili kong gawa bago ko iyon ipakita sa iba. Naisaayos ko ang porma at itsura ng mga iyon, na pinakintab naman ng aking butihing editor.

Habang namamangha (at natatawa) ako sa mga gawa ko, biglang may nalaglag na isang piraso ng papel na maingat at pulidong nakatupi. Naintriga ako, kaya maingat kong binuksan ang papel. At bago ko pa man mabasa ang mga nakasulat doon, halos tinangay ang ulo ko ng mga alaalang bumuhos na lang bigla. Naalala ko kung ano ang sulat na iyon, at kung gaano iyon kahalaga sa akin.

Ito ang nilalaman niyon:


Pssst!!! Wag kang matulog!

Hindi ako tulog.

Kita ko nga -_- May gagawin ka mamaya?

Marami. Makinig ka kay Ma'am.

-_- Nakakaantok. Ano gagawin mo?

Anong guso gusto mo?

Huh? Panong guso ko? :P

Timang. Hindi ba tayo lalabas? First monthsary natin ah?

Kaya ko nga tinatanong kung anong gagawin mo e -_- -_- -_-

Yun 'yung gagawin ko. Ilalabas kita.

Ah.

S'an mo gustong pumunta?

Ewan. Ikaw magdecide.

Kunwari ka pa. Ikaw pa rin naman masusunod.

-_- Sorry ha? -_- XD


Doon natapos ang penpal namin ng ex ko, ni Leia. Yun 'yung una at huli naming sulatan nang ganyan. Masaya naman kami. Naging masaya kami. Pero bata pa kami noon, at nang tumanda e dumami na ang priorities namin sa buhay. Naghiwalay kami, at pinilit niyang sabihin sa'kin na 'wag ko na siyang alalahanin. Sabi ko, "Hindi kita maaalala, kasi hindi naman kita malilimutan." Ta's umiyak siya at niyakap ako nang mahigpit bago umalis at lumayo. Iyon na ang huli naming pagkikita, at simula noon hindi ko na alam ang nangyari sa kanya. Joke lang! Friend ko siya sa Facebook kaya alam ko pa rin. Haay. Makapagsulat na nga.

-end-

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon