34. Heart Breaker

20 1 0
                                    

Manloloko. Sinungaling. Talkshit. Jerk. Cold-hearted. Tarantado.

Marami nang naitawag sa akin ang ex ko. Lahat dahil sa isang katotohanan lang: I broke her heart. Sa pinakatangang paraan. At dahil sa pinakasimpleng dahilan. I told her, "I can't love you anymore," flatly. At doon na nag-umpisa ang kalbaryo ko bilang mananakit-puso. Kalbaryo, dahil kahit pa may dahilan ako kung bakit hindi ko na siya kaya pang mahalin, walang gustong makinig sa akin. Buti pa ang suspect sa murder, protektado pa rin ng due process clause. Ako, laging under prejudicial litigation. Hindi dahil sa ako ang nanakit, kundi dahil ako ang unang bumitaw. Pero, ayos lang. Ang gusto lang naman ng tao ay may masisi sila bukod sa kanilang mga sarili. At alam kong wala akong ginawang masama.

Pero nagbago ang alam ko nang pumasok na sa buhay ko si Leia.

Dahil sa naka-move on na ako sa isang basag na relasyon, nagkaroon ng pagkakataon na tumibok muli ang puso ko. Natuto ulit akong maging masaya sa pag-ibig at i-anticipate ang bawat umaga. But one time, my ex's words flashed to my mind. Isa akong manlolokong, sinungaling, talkshit, jerk, cold-hearted na tarantado. Natakot ako. Paano kung totoo nga ang sinabi niya tungkol sa pagiging halimaw ko? Wala na akong karapatang magmahal kung gan'on. Masasaktan ko lang si Leia. Anong gagawin ko?

-end-

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon