May mga bagay akong dapat gawin, alam ko iyon. Pero paano kung ang ginagawa ko ngayon ay mali? Sabi ng marami, kapag mahal mo ang isang tao, ipaalam mo. Pero paano ko gagawin iyon? Napagdesisyunan ko nang hindi pumasok sa isang relasyon hanggat hindi pa ako handa. Kaso, ayun, nakilala ko si Emerson. At nakakairita, lahat ng nararamdaman ko sa kanya, at ng dahil sa kanya, ngayon ko lang nararanasan. Nakakatakot. At pakiramdam ko ay may nararamdaman din siya sa akin. O asyumera lang ako? O baka naman pa-fall siya? Naku naman! Haay. Ewan. Matatapos din naman itong araw na ito na walang mangyayari.
"O, Leia, lalim ng iniisip, ah?" Si Emerson, nakahanap ng oras na tabihan ako dahil wala pang prof.
"Ano namang paki mo?" masungit kong tugon na sinabayan ko ng bahagyang pagtawa, para itagong kinakahabahan, o kinikilig...neh, na kinakabahan ako.
"Ikaw e, nasa tabi mo na nga lang, iniisip mo pa..." tukoy niya sa sarili. Inismiran ko lang siya kahit tama naman siya. Pa-fall, kainis.
"Nga pala Leia, may ano..." Nagbuntong-hininga siya nang malalim. "Uhm, samahan mo 'ko sa SM mamayang uwian. Kain tayo, may sasabihin lang ako. Libre kita."
Akala ko e wala nang ikakakaba pa ang damdamin ko, pero kumabog pa lalo ang puso ko na halos hindi ako makahinga. Date ba iyon? Inisip ko na baka aamin na siya. Umasa ako na aamin na siya.
"Ngayon mo na sabihin," nagawa ko pang sabihin. Ang tapang mo, Leia!
"Ayaw ko...well, mukhang alam mo naman na 'yung sasabihin ko, e. Sumama ka na lang, ha?"
"Ayoko." Sinungitan ko pa siya.
Nginitian niya ako at pinisil sa pisngi bago tumayo dahil dumating na ang prof namin. At dahil huling klase na namin iyon, kailangan ko nang magdesisyon kung ano ang dapat kong gawin. Help me, Lord.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomanceSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.