"Haaaay..."
Malalim ang buntong-hininga ni Emerson. Panigurado pinoproblema na naman nya yung sinusulat nya. At pag ganto sya, di na nya napagtutuunan ng pansin ang date namin. Minsan lang naman syang nagkakaganto, tuwing may writer's block lang sya, kaso hindi ko pa rin maiwasang magtampo nang bahagya. Pero, alam kong kailangan nya ako ngayon higit kelanman. Girlfriend duties.
"Em, tungo ka muna," alok ko sa kanya kasabay ng pagtapik ko sa hita ko. Tinanggap nya yon at pinatong nya ulo nya sa hita ko, at minasahe ko naman ang kanyang ulo. Pero bumangon agad sya at tumayo. Naglakad sya palayo, pero bumalik sya bigla at hinatak ako sa kamay. Tahimik lang kaming naglakad sa parke: sya, nakatingin sa malayo; ako, sa kanya. At habang tahimik kami e pinilit kong mag-isip ng pwede kong maitulong sa kanya, kahit alam kong ayaw nyang pinakikialaman ko ang pagsusulat nya. Sinubukan ko yun isang beses, sabi ko sa kanya wag muna nyang isipin. Nagalit sya! Hindi ko na sya pinakialaman simula noon. Pero syempre, maldita ako minsan, iniwanan ko naman sya sa apartment namin para habulin nya ako, mapunta man lang sakin ang isip nya. Nagtampo na rin kasi ako talaga. Kaso, hinayaan nya lang ako. Nag-away pa kami dahil dun, pero napagtanto kong hindi ko dapat pakialaman takbo ng isip nya tuwing nagsusulat sya. Simula noon, naging mas maayos na relasyon namin.
Kaya ngayon, kahit gusto ko syang tulungan, wala akong magawa. Nakaka-frustrate lang kasi pakiramdam ko hindi ko pa rin sya kilala kahit ilang taon nang kami. Maya-maya pa, tumigil sya sa paglalakad at pumunta sa harap ko. Kinuha nya ang phone nya at nag-umpisa nang magpipipindot. "Sadali lang, Lei," anya matapos akong alayan ng kuripot na tingin. At pinagmasdan ko lang sya. Ilang saglit pa e tumingin ulit sya sakin at nginitian ako. May kakaiba talaga sa ngiti nya na simula pa noon e nagpapamangha na sakin. Uhm, pogi naman talaga si Em, pero pag ngumiti sya, nawawala ang paligid.
Pagngiti nya sakin, pumunta sya sa likod ko at niyakap ako. Pero nagta-type pa rin sya. Binasa ko kung anong sinusulat nya: Writing Curses: 1. Merged identity. Tinanong ko sya, "Ano 'yan?"
"Hindi ko pa alam e, bigla lang pumasok sa'kin," sagot nya. Sinave nya yon at binalik na sa bulsa ang phone nya. Maglalakad na sana ako pero niyakap nya pa ako nang mas mahigpit. Humalik pa sya sa ulo ko. "Mas nakakapag-isip talaga 'ko 'pag kasama kita." Hinalikan nya ulit ako, pero sa tagpuan na ng leeg at kaliwang balikat, na kumiliti sakin.
Sabi ko, "Nakakatulong pala 'ko?"
"Oo naman..." malumanay nyang hinigpitan ang pagkakayakap nya sakin, "ikaw inspirasyon ko, e."
Kinilig ako. Ilang saglit pa e hinawakan na nya ako sa kamay at naglakad na ulit kami.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomanceSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.