Hi, Emerson at Leia. Hindi niyo ako kilala kaya siguro magtataka kayo. But, don't worry, hindi ako nangangagat—pumapatay lang. Hindi ko naman kayo papatayin, kasi napamahal na kayo sa akin. Sa sobrang pagmamahal ko nga sa inyo e binuhay ko kayo sa napakaraming mundo, kung saan e lagi kayong nagkakatagpo at nag-uumpisa, natatapos, at kasalukuyang nagmamahalan.
May ilang payo lang ako sa inyong dalawa.
Para kay Emerson:
Tahimik na babae si Leia. Not literally mahina ang boses o madalang magsalita. But her quietness is in the quality of her words. Wala siyang inaaksayang salita. Bawat pangungusap, may pinatutunguhan. Kung mag-share na siya ng impormasyon tungkol sa personal niyang buhay, kahit gaanong kaliit pa iyon, pangalagaan mo, kasi para sa kanya malaking deal na iyon.
Para kay Leia:
Malaki ang role mo sa buhay ni Emerson. Frankly speaking, ikaw ang dahilan kung bakit siya nabuhay. Darating ang mga pagkakataong masasaktan ka niya. Kung sadya niyang saktan ka, inquire him why. Kung hindi naman, sabihin mo kaagad sa kanya na nasaktan ka. Makikinig siya sa iyo, kaya huwag kang matakot magsabi sa kanya.
Iyon lang. Anyway, alam ko namang sa bandang huli ay para sa akin ang mga payong ito. At para na rin sa mga magtitiyagang magbasa ng mga kwento niyo.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomantizmSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.