Isa sa mga pinakahihintay kong araw sa buhay ko ay ang honeymoon namin ni Mrs. Acosta. Well, wedding day namin talaga ang hinihintay ko, pero honeymoon ang output ng buong araw na pagngiti at pangungulit namin sa isa't isa mula sa wedding proper hanggang sa reception. Kumbaga sa isang effigy, hindi iyon maituturing na sining kung hindi susunugin.
At eto na, nakahiga na ako sa kama habang hinihintay siyang matapos sa pagligo. Iniisip ko kung paano namin uumpisahan, lalo na't parehas naming first time. Umabot naman na kami sa passionate forpeplay noong nobya ko pa lang siya, at ilang beses naming tinukso ang isa't isa na gawin na namin ang honeymoon long before na ikasal na kami. Pero, ngayong narito na kami sa pagkakataong iyon, hindi ko na alam kung paano gagawin, o uumpisahan man lang. Baka matulog na lang kami.
Maya-maya pa ay lumabas na siya sa banyo at nagmulat akong mata. Nang makita kong naka-pink na night gown lang siya, nawala na sa possible scenarios na baka matulog na lang kami. Bumangon ako at hinipuan siya sa tingin. Siya naman ay dahan-dahang umupo sa tabi ko habang bahagyang nakangiti—halatang nanunukso. Hinawakan ko siya sa kamay at inilapit ko siya sa akin. Humalik muna ako sa noo niya bilang pagsasabi na nirerespeto ko siya. Pagtingin ko ulit sa kanya ay napansin kong malalim ang hinga niya, medyo nakakunot ang noo, wala na ang ngiti sa labi niya, at nanginginig nang bahagya ang kanyang mga kamay.
"Okay ka lang, Lei?" I inquired, habang hinahaplos ang kanyang buhok na bahagya pang basa.
Tumitig lang siya nang matagal, pilit binabasa ang pag-aalala sa boses ko habang pilit ko namang iniintindi ang malungkot niyang mga mata, at ngumiti nang matipid bago nagsalita, "Lalabas muna 'ko."
Mabilis siyang umalis sa tabi ko, tumayo at lumabas sa may terrace hawak-hawak ang sutla na natatangi niyang saplot. Napabuntong-hininga ako. Walang alinlangan ko siyang sinundan sa terrace bitbit ang makapal na kumot dahil malamig sa bundok na venue ng aming pulot-gata at isang piraso ng chocolate bar na nakatago sa cabinet sa loob ng tinutuluyan naming kwarto para gumaan ang kanyang loob. Nabitin man ako, alam kong dapat ay alagaan ko siya kahit anuman ang mangyari.
I put the blanket around her na medyo kinabigla pa niya; halatang malalim ang iniisip. Binuksan ko muna ang chocolate bar bago iabot sa kanya, at tinanggap naman niya iyon. Tahimik ang gabi at tanging ang lutong ng chocolate bar kapag kinakagat niya ang naririnig ko. Habang nakatingin lang kami sa kawalan ay unti-unti kong naramdaman ang lamig gawa ng boxers lang ang suot ko.
"Em, halika dito." Binuksan ni Leia ang kumot at pinapasok ako sa loob. Imbes na tumabi lang ako sa kanya ay dumiretso ako sa likod niya at niyakap siya. Kakaiba ang init ng katawan niyang tumatagos sa manipis niyang saplot. Naramdaman ko ang pagngiti niya. Nagpatuloy lang siya sa pagkain sa chocolate bar habang pinapainit siya ng yakap ko, at pinapakagat niya rin ako sa chocolate bar minsan.
"Sorry, Em," aniya.
Hinigpitan ko pang kaunti ang pagkakayakap ko sa kanya. "Para s'an naman?"
"Feeling ko hindi pa 'ko handa, e...kaya s-sorry talaga." Para siyang batang nakabasag ng vase sa paghingi niya ng tawad.
"Okay lang 'yon, ano ka ba?" Natawa akong bahagya sa sinabi niya. Hindi ko rin naman gustong gawin niya iyon dahil lang sa pamimilit ko.
"E kasi ikaw, ready na e, o..." She grinded her butt against my manhood. Natawa lang ulit ako. Hindi ko alam kung anong gagawin. Then she whispered, "Hawakan mo 'ko."
"Huh?" pagtataka ko. Saan ko naman siya hahawakan? Pero hindi na niya inulit ang kanyang sinabi, bagkus ay kinuha niya lang ang kanan kong kamay at inilagay iyon sa kaliwa niyang dibdib. I caressed her breast na parang hinahawakan ko na mismo iyon dahil sa nipis ng damit niya. Unti-unti niyang inubos ang chocolate bar, na sinasabayan niya ng malalalim na paghinga at mahihinang pag-ungol. At pagtawa. At pagngiti. Nang tuluyan na kaming lamigin sa labas at mag-init sa loob, bumalik na kami sa kwarto; sa kama kung saan namin pinagsaluhan ang pagpapasakdal ng sining naming kasal.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomanceSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.