9. Tahimik na Paligid

30 3 0
                                    

Nag-iiwasan tayo, Leia. Pilit nating hindi pinagtatagpo ang ating mga paningin, pilit iniiwasang magkausap o magkalapit. Alam kong sinasadya mo iyon. Ako, hinahayaan ko lang. Iniipon ko ang lahat ng kwentong gusto kong ibahagi sa iyo. Iniipon ko ang lahat ng damdaming gusto kong ipakita sa iyo. Tinitiis kong hindi ka makausap. Pero, ayos lang. Iniiwasan mo man ako, hindi mo naman ako pinipigilang makita ka. Iniiwasan man kita, hindi ko naman pinadarama sa iyo na wala ako sa paligid. At masaya ako roon. Wala na akong mahihiling pa, sa ngayon, bukod sa makita ka araw-araw. At natutupad iyon. Masaya ako.

Pero, alam mo, bahagya akong nangangamba. Kanina, nang binalik ko ang pagsusulit mo (gawa nang napunta sa akin ang iyong papel), hindi ko sinasadyang kausapin ka. Ni hindi ko nga binalak na tignan ka. Pero anong ginawa mo? Kinausap mo ako, nag-asaran pa tayo nang bahagya, at hinayaan mo na naman akong mapangiti ka. Noong huling saglit, nang magsalubong ang paningin natin, namalayan ko na lang na tumahimik na ang paligid. Nag-iwas na ako ng tingin dahil unti-unting pumapasok sa isip ko na hindi pala "ayos lang" para sa akin na nag-iiwasan tayo. Mas sumasaya ako kapiling ka. Nakakatakot. Baka sa susunod na magkatinginan tayo...

-end-

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon