Alam ko namang masamang magmahal ng taong may mahal nang iba. Pero may sariling utak ang puso ko, at matigas ang ulo niya. Ilang beses ko na siyang pinagsabihan na may requirement muna akong dapat maabot bago ako magmahal:
Una, dapat handa ako. May ginawa akong checklist para malaman ko kung handa na ba ako, at kasama na doon ang pagiging praktikal—dapat stable na ako financially. Yung tipong ang ipangde-date ko ay galing na sa sarili kong bulsa. Dapat alam ko na rin kung paano kumilos sa bahay tulad ng pagluluto at paglilinis. Lalo na ang pagluluto. Simply put, self-sufficient dapat ako.
Pangalawa, dapat handa na ang liligawan ko—handa na sa akin bilang ako. Kumbaga, dapat ay mature na siya at handa na siya sa isang mature na relasyon. Hindi 'yung pa-tweetums. Hindi dapat pabebe. Alam niya dapat na nang-aaway ako, at malungkot ako magalit.
Pero, ano? Heto na ang puso ko, tumatalon sa bangin nang walang plano. Wala pa akong trabaho. Ni hindi pa nga ako nakakapagtapos! At hindi pa rin ako marunong/masipag sa mga gawaing bahay bukod sa pagwawalis. At 'yung babaeng pinili ng puso kong hulugan? Ayun, may mahal na iba. Nagseselos ako tuwing kinukwento niya ang nobyo niya, pero masaya pa rin ako kapag kinukwentuhan niya ako. Ang resulta? Namamatay ako araw-araw. Sabi na nga't masamang magmahal ng taong may mahal nang iba e! Buti na lang at may sapat akong lakas para pigilan ang sarili kong itapon ng buo ang katawan ko sa kanya. Buti na lang at nahasa ko ang sarili ko na huwag isingit ang katawan ko sa maliliit na espasyo, na hindi ipagpilitan ang mga bagay na ayaw o hindi pwede.
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomansaSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.