13. Makinig

28 3 0
                                    

Dulot ng sitwasyon sa buhay at kinalakhang pamilya, natutunan na ni Emerson, sa murang edad, ang pagkwestyon sa mga ginagawa ng nasa paligid, at kapagdaka'y pagtaliwas sa mga ito. Gayunpaman, hindi maitatangging ang taglay na kalidad ng kanyang talino ay hindi basta-basta matutularan. Kung diskarte sa buhay ang magdadala ng yaman sa tao, malamang ay hindi na niya kailangan pang mag-aral o maghagilap sa pambili ng mga pangangailangan sa unibersidad. May sarili na siyang pag-iisip at pagtingin sa mundo, at walang sino mang basta-basta makapagbabago ng pananaw niya sa mga bagay na binigyan na niya ng sariling kahulugan.

Habang naglalaro sa isang internet café, napansin niyang online si Leia, kaklase niya. Ch-in-at niya ito:

Emerson: Ui.

Leia: Ui.

Nag-reply naman ito kaagad.

Emerson: Nas'an ka?

Leia: Nasa bahay na. Bakit?

Emerson: Wala lang.

Leia: E ikaw?

Emerson: Nasa tabi ng school, nagdodota.

Leia: Aw. Dota na naman.

Emerson: Ahaha. Ba't ba?!

Leia: Wala. Umuwi ka na.

Emerson: Last game na.

Leia: Umuwi ka na pagkatapos mo d'yan.

Emerson: Opo, Ms. Moran. :3

Leia: Good, Mr. Acosta. :P

Habang naglalaro ay tuloy-tuloy lang ang pakikipag-chat ni Emerson sa dalaga. Ang resulta? Talo siya. Pero hindi siya nayamot o ano. Pagkatapos ng larong iyon, balak pa sana niyang maglaro, pero nag-9GAG na lang siya. Nagtagal pa ang usapan nila na puro asaran at yabangan lang naman, hanggang sa pinauwi na ulit siya nito.

Habang bumabyahe, napaisip siya: Ba't ko siya sinusunod? Pero mas nagtaka siya na imbes mayamot ay masaya siya. Dapat ay binu-bully na niya si Leia pero hindi niya magawa. Sinusunod niya ito na pawang ito na ang basehan niya ng mga tamang kaugalian. At dahil iyon sa tinign niya'y tama ang dalaga palagi. Si Leia, hindi basta-basta.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon