23. One Sided

20 1 0
                                    

Matinik ako. Hindi ko man sadya at hindi ko alam kung papaano, mabilis akong mapalapit sa babae. At ang ibig kong sabihin sa "mapalapit" ay higit sa pagkakaibigan lang. Marahil ay nagma-manifest ang philosopy ko na "Women should be tolerated." At dahil nakararamdam ng kalayaan ang mga babae sa paligid ko kapag ako ang kasama, ginugusto nilang lagi akong kausap. At, hindi sa pagyayabang, marami nang nagtapat ng damdamin sa akin kahit pa alam nilang wala akong balak na magkanobya. Pa-fall ba ako? Hindi ko alam. Pero, isa lang naman ang dahilan kung bakit ayaw ko pang magkanobya ngayon, at 'yon ay ikaw, Leia. Kaso, hindi tulad ng iba, hindi ka lumalapit sa akin.

Ngayon, hindi ito dahil sa scarcity effect. Matagal na kasi kitang gusto at ikaw pa nga ang una kong kinausap. Pero, hindi tulad ng iba, walang espesyal na tono sa pakikipag-usap mo sa akin. Kung paano mo kausapin ang lahat ay ganoon mo rin ako kausapin. Well, hindi naman lahat ng babae ay espesyal ang pagkausap sa akin...siguro e iba ka kasi espesyal ka sa akin.

Kaso, alam kong wala kang nararamdaman sa akin. Kumbaga e one-sided love lang relasyon natin. Mag-isa lang akong umiibig. Gayunpaman, hindi ako nasasaktan. Wala ka pa naman kasing nobyo, at hindi ko alam kung bakit pero walang nanliligaw sa iyo. So, malaya pa akong mangarap at pangarapin ka. Pero, kahit mahal na kita, hindi ko gustong mahalin mo ako ngayon. Hindi pa kasi ako handa sa isang relasyon. May nabasa kasi akong advice: Would you want your future daughter to date a guy like you are today? If not, then change. Tumimo sa isip ko iyon. Ayaw ko pa sa karakas ko; therefore, hindi pa ako handa. Mas okay nang hindi ka mapalapit sa akin, dahil kung ganoon ay baka alukin na kaagad kita na maging girlfriend ko. At kapag nangyari iyon, sigurado akong masasaktan lang kita. One sided ang pag-ibig ko sa iyo hindi dahil sa ayaw mo sa akin (sana), kundi dahil iyon ang gusto ko. Ihahanda ko pa ang sarili ko.

Gusto kitang kausapin tungkol dito. Gusto kong malaman mo na lagi mong pinapalakas tibok ng puso ko. Gusto kong malaman kung may pag-asa ba. Gusto kong malaman mo na gagawin ko ang kaya ko para maging katanggap-tanggap. Gusto kong malaman kung makakapaghintay ka. Gusto kong malaman mo na makakapaghintay ako. Gusto kita.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon