10. Desperado

28 3 0
                                    

How come? Na kinakausap mo yung iba tapos ako e iniiwasan mo? Ano bang problema mo? At kung may problema ka sa'kin, ba't hindi mo sabihin sa'kin? Ilang beses mo bang ipapakita na hindi mo na 'ko kinakausap? At bakit 'pag may pagkakataon tayong makapag-usap, umaalis ka bigla? Alam mo bang nakakainis na yang ginagawa mo? I mean, hindi naman tayo o ano, pero dahil sa ginagawa mo pakiramdam ko e inaawasan ako ng girlfriend ko! At wala akong girlfriend! Basta, ganun yung feeling.

Bakit ba? Ha? Bakit ayaw mo 'kong pansinin? Mukha namang hindi ka galit...pero wala ka namang pinapakitang emosyon. Ewan! Hindi ko na alam gagawin ko sa'yo! Hindi ko na alam gagawin ko.

Kausapin mo naman ako kahit saglit lang! Well, gusto ko talaga e makausap ka nang matagal. Badtrip. Lagi na kitang iniisip. Pag ako nayamot sa'yo, maghaharapan tayo.

Nayayamot,

Em

PS: Pagkatapos mong mabasa 'to, mag-reply ka. Text, chat, personal, sulat din. Maraming paraan para makausap mo 'ko. At tatanggapin ko kahit ano. Wag ka nang umano, kausapin mo na 'ko!

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon