Tahimik ang kulob na kwarto at tanging ang pagpatak lang ng segundo ang umaalingawngaw sa isip ni Emerson, na nakahiga at nakatitig lang sa puting kisame. Nasa estado siya ng pag-iisip kung masaya ba siya sa kanyang ginagawa. Inabot niya ang kanyang cellphone at sinilip kung may nag-text sa kanya. Wala. Walang kwenta ang cellphone kung wala namang nagte-text, naisip niya.
Muli lang siyang tumingin sa kisame at tumitig sa kawalan. Hiniling niya n asana, maski man lang isa sa kanyang kakilala ang mag-aksaya ng oras na kamustahin siya, kahit walang konkretong dahilan. Pumikit na lang siya at nilabanan ang kalungkutang nasa dalampasigan na at malapit nang umapaw. Nang biglang nanginig ang kanyang cellphone. Napamulat siya at mabilis na tiningnan, na may halong pagmamadali, ang mensahe: "Text SURFREE..." at pinili na lang na hindi iyon tapusin.
Napaisip siya: Bakit ba siya malungkot? Ah. Dahil hindi na siya tine-text ni Leia. Tama. Kung kakausapin lang siya ni Leia ay mabilis mapapalis ang ulap sa kanyang utak. Hindi niya alam kung bakit sinabi na lang nit bigla na hindi na siya nito ite-text. At ang magulo pa ay kung bakit siya apketado—kung bakit siya nagtatampo—gayong wala namang espesyal na namamagitan sa kanila. Prerogative ni Leia na hindi siya kausapin at wala siyang karapatang kwestyunin iyon. Pero kahit na. Hindi pa rin niya maalis sa isip at damdamin ang hinanakit na iyon. "Haay, kung magte-text ka lang sana..."
-end-
BINABASA MO ANG
Si Emerson at si Leia
RomantizmSame characters sa iba't ibang setting? Why not? Entry ko sa #Wattys2016 Last month pa dapat 'to pero anong sabi ng psychologists? Planning fallacy! Vote wisely. Comments are appreciated.