35. Katapangan

20 1 0
                                    

May kumakalat na balita. Isang magiting ngunit lagalag daw na mandirigma ang nakikitang gumagala sa paligid ng bayan na ito. Dahil mailap daw iyon ay ito lang ang alam na description sa kanya: matangkap, balbasarado, nakasuot ng itim na hooded cloak na may brown na manipis na laylayan, itim na boots, at tabak. Kung ganoon ang description nila sa magiting na lagalag na iyon, kung hindi ako nagkakamali, baka ako ang tinutukoy nila. Malayo ako sa pagiging magiting, at ang pagiging lagalag ko ay dahil lang sa kung ano talaga ako—hindi mandirigma, kundi manunulat. Kaso mukhang huli na ang lahat para linawin ko iyon, dahil sa loob ng bar kung saan ako tahimik na nagpapahinga ay tahimik akong inuusisa ng tao.

"Kuya," lumapit sa'kin ang waitress sa bar na iyon, isang magandang babae, "kayo po ba yung napapabalitang rogue warrior na sumugod at nagpabagsak sa kuta ng trolls sa Mt. Bintuod?"

"Hindi." Dahil hindi ko naman sinugod ang kuta ng mga iyon. Pinabagsak ko, oo, pero hindi ko sinugod. Ako pa nga ang bigla nilang pinagtangkaang patayin. Hindi naman na ako nagtaka, dahil pansin kong lahat ng mga halimaw ay pilit akong pinapatay, at dahil iyon sa kwintas na suot ko: Medal of the Cursed Sun. Somehow, naaakit sila doon. Hindi ko naman mahubad basta ang kwintas, hindi dahil sa ayaw ko kundi dahil hindi ko kaya.

"Kuya?" Nabasag ang pag-iisip ko nang kumaway sa harap ko ang babae, na hindi pa pala umaalis sa mesa ko. "Okay ka lang po ba?"

"Leia!" Sa counter ng bar na iyon ay isang matandang lalaki ang tumawag sa babaeng nasa mesa ko, at napalingon naman ito sa tumawag sa kanya.

"Saglit lang, Pa!" tugon naman ng babae na Leia ang pangalan. Muli itong humarap sa akin, "Anyway, kung kayo man po 'yon, gusto ko lang pong magpasalamat." Matipid itong ngumiti, tumitig, bago tumayo at bumalik sa counter. Noon lang ako nakatanggap ng pasasalamat mula sa kahit kanino, at nagtaka ako kung para saan iyon. Nilamig ako kaya pinalibot ko lalo ang aking balabal. Pumikit akong mataimtim, nang maramdaman kong nag-init ang suot kong kwintas. Napatayo ako bigla kaya bumagsak ang upuan ko at nagulat ang mga tao sa bar na iyon. Kailangan kong lumabas sa bar na iyon. Hindi, kailangan kong umalis sa bayan na iyon, dahil nararamdaman kong may halimaw na papunta sa akin. Nagtaka ako, dahil hindi naman ako sinusugod ng halimaw kapag nasa kalipunan ako ng mga tao.

Mabilis akong naglakad palabas sa bar, pero naramdaman kong may pumigil sa akin. Si Leia, hinawakan ako sa braso. "Saan ka pupunta, kuya?"

"Bitawan mo 'ko," utos ko sa kanya. Pero hindi siya natinag.

"Hindi ka pa po nagbabaya—" Bago pa niya matapos ang sasabihin, biglang niluwa ng sahig sa likuran niya ang isang malaking uod na mas mahaba pa sa tao at mas mataba pa sa isang bariles ng alak. Mabilis kong nahablot si Leia at naiiwas sa paglabas ng uod na iyon. Ang mga tao naman sa loob, kung hindi naglabasan, ay nasa pinakagilid lang ng bar. Ang tatay naman ni Leia ay naglabas ng isang hunting rifle, pero halatang gulat din at hindi makagalaw.

Pinatabi ko si Leia, "Pumunta ka na sa papa mo."

"P-pero...baka sugurin ako..." nanginginig nitong tukoy sa uod.

"Hindi 'yan." Hindi nga, dahil alam ko ang pakay ng halimaw na iyon. Ayaw ko talaga sanang humarap sa mga halimaw lest pumatay ako. Kaso palagi akong tinatawag ng tadhana para pumaslang.

"Leia!" Pagkatawag sa kanya ng kanyang tatay ay mabilis na umalis si Leia sa tabi ko at pumunta sa likod ng counter.

Ako at ang uod—kaming dalawa na ang maghaharap.

Inilabas ko na ang tabak ko. "Hello," bati ko rito . Ungol at pagbukas ng bilog nitong bibig at paglabas ng mga maliliit pero matatalim na ngipin ang tugon nito. Isa itong earth worm, at hindi bulate ang tinutukoy ko. Literal na uod ng lupa ang halimaw at nabubuhay itong naghuhukay ng mga lupa at kumakain ng mga sustanya roon. Madalang lumabas sa lupa ang mga earth worm, at iyon ay kung nagagambala ang kanilang tahanan sa ilalim. Sa sitwasyong iyon, gayunman, lumabas iyon dahil sa kwintas ko.

Bigla itong sumugod ng kagat, at kahit mataba ay mabilis itong kumilos. Muli itong sumugod ng isang kagat, at isa pa, at isa pa. At nang napadiin ang kagat nito sa lupa, nakahanap ako ng pagkakataong tagain ito, pero mas matigas ang balat nito kaysa sa kahoy. Wala na akong choice, kailangan kong gamitin ang Deus, marka ng diyos, ng tabak ko—damage absorption. Sumugod ulit ng kagat ang uod, at hinarang ko ang tabak, at mistulang may sapat akong lakas para harangin iyon. Muling humanda ang uod, at dahil lumiliwanag na ang Deus sa tabak ko, alam kong pwede ko na itong atakihin. Nang sumugod ito ulit, umiwas ako sa kanan nito, at tsaka tinaga ulit ang uod. Mabilis na lumubog ang tabak ko sa katawan at laman ng uod at mabilis itong nabawian ng buhay.

Unti-unting nawalan ng tensyon ang paligid. Lumapit ako sa bumagsak na katawan ng uod, at dumukot ng isang laman-loob doon. Binuksan ko iyon, at natuwa ako dahil tama ang hinala ko: isang dakot ng ginto ang naroon. Kinuha ko iyon at naglagay ng ilang piraso sa counter bilang bayad sa bar, at tsaka ako umalis.

-end-

Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon