49. Pagsabit sa Dyip

17 1 0
                                    

Kailangan ko nang umuwi!

Ang trapiko na pilit isinisiksik sa daan, naitatanong ko, kailan mapapawi?

Bigkis ang lakas at pagtingin sa tahanan, sa langit ay namamangha.

Ang marikit na detalye ng ulap sa malayo ay inuukit ng kidlat.

Ang hanging malinis sanang langhapin ay pinarurumi ng usok.

Ang lupang nilalakaran ay sementado, pinapaging hindi nararapat upang umunlad.

Sa pagsabit ko sa dyip, namalayan ko ang ngalay.

Panginginig ng braso'y nakapangangamba, at nangangamba kaya nanginginig.

Ang mga hitang nangangatog ay pagod na rin,

At ang mga paa'y kung hindi namumutla ay naduduwal sa dugo.

Ako'y pumikit, nagdasal.

Alam kong ang lakas ko ay kulang upang patuloy pang sumabit.

Ngunit alam ko, kung ako'y bibitaw, mamamatay ako.

-end-


Si Emerson at si LeiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon