I

10K 204 16
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

"Congratulations, Ms. Lee" saad ni Mr. Dimaano na aking inimbita para sa pagbubukas ng aking business, which is a coffee shop. Ngumiti ako dito tapos ay kinamayan ito. "Salamat po." Saad ko. Ngumiti din ito tapos ay tumango.

"So, una na kami ng asawa ko. Congrats ulit." Saad nya at nagpaalam na silang mag asawa. Tumango ako dito tapos ay tumingin sa paligid.

Halos nagsisi alisan na ang mga bisita ko dahil gabi na din. Pumaskil ang ngiti sa labi ko dahil may sarili na akong business, at matagumpay ko itong nabuksan. Mag aalas otso na at naubos ang tao sa buong shop. Tanging mga staff na lang ang natira na inaayos ang mga bawat lamesa kaya pumasok ako sa office ko at umupo sa swivel chair ko.

Tatlong taon.. tatlong taon ang nakalipas. Nadapa man ako nuon, ang mahalaga nakabangon ako at natutong makipagsapalaran sa buhay. Nagtrabaho ako sa ibang bansa ng halos dalawang taon, at sa dalawang taon na yun ay binigyan ako ng magagandang opurtunidad para marating ko kung nasaan man ako ngayon.

Sa tatlong taon na yun, may tao mang umalis sa buhay ko.. mayroon namang dumating na panibago. Isa na duon si Kate Del Mundo na naging matalik kong kaibigan nung nagtatrabaho ako sa ibang bansa. Parehas kasi kami ng kompanyang napasukan. Madaming common sa amin kaya siguro mabilis ko syang nakilala ng husto. Itinuturing ko na itong kapatid dahil sa palagi itong nasa tabi ko sa oras ng aking pighati. Alam nya ang aking nakaraan, simula ng isilang ako sa mundong ito, hanggang sa makarating ako sa ibang bansa. Mapapagkatiwalaan naman ito kaya natutuwa ako na sumama sya sa akin pabalik ng Pinas para itayo ang business ko. Ginawa ko syang manager head ng shop ko para atleast magkaroon sya ng kita dito na maipantustos nya sa pangangailangan ng pamilya nya. Hindi man ito kaparehas ng sweldo nya sa ibang bansa, pero sabi nya mas gusto nyang magtrabaho dito sa Pinas, kaysa malayo sa pamilya nya.

A bitter smile plastered on my face. It's been a long time since I visited my parents grave. Hindi ko din alam kung ano ng nangyari sa bahay ko. Simula ng umalis ako, hindi ko na nabigyan ng oras ang mga yun. Siguro mamaya bibisitahin ko ang puntod ng magulang ko.

"Feel na feel?" Napapitlag ako sa aking pagkaka upo ng marinig ang boses ng kaibigan ko. Naka pokerface lang ito sa akin habang nakasandal sa pinto. "Anong kailangan mo?" Tanong ko. Umayos ito ng tayo tapos au ibinulsa ang kamay. Lumakad ito palapit sa akin at huminto sa tapat ko.

"Congrats nga pala. Successful ang opening ng shop mo." Nakangiti nyang saad tapos ay niyakap ako. Napangiti din ako at ginantihan sya ng yakap. "Salamat, pero hindi ko yun magagawa kung wala ka.." saad ko. Bumitaw sya sa yakap tapos ay binatukan ako. Kumunot naman ang noo ko at napahawak sa batok ko.

"Bolera! Basta taasan mo sweldo ko." Natatawa nyang saad. Tinaasan ko naman sya ng kilay tapos ay tumawa. "Well, ibabase ko na lang sa performance mo." Saad ko tapos ay dumila. Babatukan sana ako nito kaso nahuli ko ang kamay nya.

"Sya nga pala, nandito na yung 'OTL' mo." Nandidiri nyang saad. Kumunot naman ang noo ko. Ano? OTL? Ano yun? Napabuga ito ng hininga tapos ay umirap. "Ay ang bobo! Hindi alam!" Naiirita nyang saad.

"Sorry ha? Hindi naman kasi ako jejemon katulad mo." Pang iinis ko sa kanya. Sumeryoso ang mukha nito tapos ay nagcross arms. "Ewan ko sayo. Yung one true love mo kako nandito na." Saad nya. Tumango naman ako.

"Uuna na ako ha? Tapos na naman linisin yung mga bagay na dapat linisin at ayusin." Saad nya. Tumango naman ako tapos ay niyakap sya. "Ingat ka." Saad ko. Tumango naman ito tapos ay naglakad na palabas ng opisina ko.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon