XXII

4.8K 153 17
                                    

#STILLINTOYOU

Samantha point of view

Sinalampak ko ang aking katawan sa aking kama at ipinikit ang aking mata. My eyes are swollen right now. Hindi ko alam kung bakit ba ako umiiyak sa nangyari, kahit wala naman dapat akong iiyak. Ginusto ko naman ito diba? Bakit ayaw ko na lang tanggapin? Hindi ito yung inaasahan ko na pangyayari. Akala ko kasi pagkatapos ng lahat ng sinabi ko, pilit nya pa din ipagsisiksikan ang sarili nya sa akin.

Mali pala ako. Siguro kasi nagsawa na sya. Siguro kasi ayaw na nya. Ikaw ba naman na ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw naman sayo, magmumukha ka lang tanga.

Napangisi ako. Gusto kong ibalik yung nangyari, pero hindi na maaari. Hindi ganito ang inaasahan ko, pero anong magagawa ko hindi ba? Nangyari na e. Siguro sasakayan ko na lang kasi ito na yung nandito. Sasanayin ko na lang din ang sarili ko kasi ito yung ginusto ko.

Tumunog ang phone ko at kita ko ang pangalan ni Liam sa screen. Tinitigan ko ng ilang segundo iyon bago ko napagpasyahan na takloban iyon ng unan para hindi ko marinig ang tunog. Pinikit ko ang mata ko at niyakap ang isang unan. Ang sama ko ba para gawin kay Liam ito? Hindi naman nya deserve ang ganitong sitwasyon pero bakit ginagawa ko sa kanya iyon?

Bumangon muli ako at nagtungo sa kusina para kumuha ng beer sa ref, pero wala pala akong stock ng beer dun. Natawa ako, hindi ko naman kasi hobby ang mag-inom e. Bumalik ako sa kwarto ko tapos ay nagpalit ng damit. Nagsuot ako ng medyo maiksi dahil gusto ko mag-inom. Kinuha ko ang phone ko sa ilalim ng unan tapos ay lumabas ng condo ko. Hindi ko na binalak na magdala ng kotse dahil wala akong balak na magtira ng pang-uwi. Puta daig ko pa ang broken-hearted dahil sa nararamdaman ko. Antanga ko? Haha.

Pumara ako ng taxi at nagpahatid sa Golden Pub. I just want to enjoy and drink all night! Parang nauuhaw ako sa alak. Gusto kong lunurin at kalimutan ang nararamdaman ko! Hanggang sa huminto na ang taxi sa tapat mismo ng bar kaya bumaba na agad ako. Huminga ako ng malalim bago ko itinulak ang pinto. Maingay, mausok, magulong paligid ang sumalubong sa akin. Agad akong nagdiretso sa counter at umorder ng whiskey.

Sabi ko hindi ko na ako iinom nito dahil ang alak na ito ang may dahilan kung bakit napalapit ulit ako sa kanya. Pero ngayon iinumin ko ito dahil umaasa ako na ito din ang sana'y maging dahilan para magkalapit muli kami. Ininom ko ng isang lagok ang whiskey at hindi na nag-atubiling mapangiwi dahil sa lasa nun. Parang ngayon sanay ang dila ko sa lasa ng alak na ito.

"Hi miss." Bati sa akin ng isang lalaki sa gilid ko. Tinaasan ko sya ng kilay tapos ay ibinalik ang tingin ko sa baso ko. "Stay away from me." Sabi ko at ininom ang pangalawang baso ng whiskey. Kita ko ang pagtawa ng lalaki sa gilid ko kaya tiningnan ko sya. "What do you want?" Tanong ko habang nakakunot ang noo. Tumingin ito sa beer na hawak nya pagkatapos ay pinaglaruan iyon.

"Nothing. I think you need someone to talk." He said. Tinaasan ko sya ng kilay. Hindi naman sya mukhang fuckboy dahil sobrang pogi nya at ang aliwalas ng mukha nya. Iniwas ko ang tingin ko tumingin sa baso ko. "Drink with me?" Tanong ko kaya napatawa sya. Tumingin ako kasabay ng pagtango nya.

Umorder sya ng beer at binuksan ang isa nun at inabot sa akin. Nag cheers kami bago namin ininom ng sabay ang beer.

"So, where do you want to start?" Tanong nya. Kapag nagsasalita sya ay lumalapit sya ng kaunti sa akin dahil sa lakas ng tugtog. Ngumiti ako sa kanya kaya ngumiti din sya sa akin. Seriously, I don't trust people so easily but talking with him right now, it feels like I knew him before. We just met for a minute but here I am, wanna talk to him and share my problems with him. "Bakit ang hirap nyong intindihin?" Tanong ko kaya napataas ang kilay nya.

Still Into You (BedSpacer#2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon