#STILLINTOYOU
Dwight point of view
Nakaupo ako sa upuan ko habang pinaglalaruan ang ballpen na hawak ko. Im on a business meeting right now but Im thinking about Sam. Feeling ko sasabog na ang utak ko dahil sa kakaisip sa kanya. Ang sakit na ng ulo ko! Ang sakit na ng puso ko! Hanggang saan ba ang kaya kong tiisin para sa kanya?
Nung gabing hinalkan ko sya. Sobrang nagalit sya sa akin. Alam kong mali ang ginawa ko pero puta sobrang nagsisisi ako dahil hinalkan ko sya. Gusto kong saktan ang sarili ko dahil sa ginawa kong katangahan!
"Sam what happened?" Sabi ko ng maabutan sya at pilit kong iniharap sya sa akin. Pero nang makaharap sya ay lumapat ang kanyang palad sa aking pisngi. Kita ko ang galit sa kanyang mukha kaya nananatili akong nakatingin sa mata nya. "You wanna know what happened? You came back to my life! That's what happened!" Nangingitngit nyang sigaw sa mukha ko. Napako ako sa aking kinakatayuan dahil sa mga salitang lumabas sa bibig nya. Inabot ko ang kamay nya pero iniwas nya iyon sa akin.
"Sam wag mo naman sabihin yan.." pakiusap ko pero umiling sya.
"Ang kapal ng mukha mo! Ang kapal ng mukha mo para sabihin sa akin na mahal mo ako! Ang kapal ng mukha mo para humarap at tumitig sa mga mata ko! Hindi mo ba natatandaan yung dinulot mong sakit?! Lahat kinuha mo! Iniwan mo akong walang-wala tapos ngayon babawiin mo ako sa kanya?!" Sigaw nya sa akin. Nakatingin ako sa mata nya ng diretso. Sige! Murahin mo ako, saktan mo ako, balewalain mo ako! Kulang pa nga itong ginagawa mo sa akin para pagbayaran ko ang mga nagawa ko sayo. Pero puta! Sobra akong nagsisisi dun! Sobra!
"Sam alam mo bang sobrang nagsisisi ako sa ginawa ko." Sabi ko at inabot ang kamay nyang sobrang lambot pero agad nya din iyon binawi. Kinabahan ako ng makitang lumandas ang luha sa kanyang mata. Ayokong nakikita syang umiiyak ng dahil sa akin. Kaya wala na din akong magawa kundi mapaiyak na din dahil sa nakikita ko. Ang anghel ko, umiiyak dahil sa akin.
"Wag mong isusumbat sa akin na nagsisisi ka dahil sa una pa lang, itinaboy mo na ako! Sa una palang ikaw ang unang bumitaw! Ikaw ang unang bumitaw! Dapat nga hindi kana nagsisisi kasi tinaboy mo na ako noon! Tapos ngayon bubuntot-buntot ka sa akin na parang aso at hihilingin mo ako na bumalik sayo?! Gago ka pala e! " sigaw nya sa mukha ko. Naihilamos ko ang aking palad sa aking mukha tapos ay ginulo ang buhok ko! Kaya nga ako bumabawi sayo! Hindi mo ba nakikita? Paano kasi puro ka Liam! Puro si Liam! Lagi na lang si Liam! Ang sakit na sakin nun! Hindi mo na nga ako kayang mahalin, tapos sya pa lagi ang bukambibig mo! Ang sakit sakit.
"Sam hindi mo naiintindihan! Hinanap kita! Halos bumagsak na ang kompanya dahil sa paghahanap ko sayo! Hindi ko alam kung saan ka hahanapin! Hindi ko alam kung saan ako magsisimula! Ni wala akong kaisa-isang ideya kung nasaan ka?" Sumbat ko. Paano ko sya hahanapin? Kung wala akong ideya kung nasan sya? Halos bumagsak na ang kompanya ko. Halos masunog na ang baga ko sa kakainom. Halos matuyo na ang mata ko dahil sa kakaiyak!
"Umalis ako dahil yun ang sinabi mo! Umalis ako dahil yun ang hiniling mo! Kasi hindi mo ako hinayaang manatili at magpaliwanag sayo! Kaya wag mong isusumbat sa akin yang sakit na nararamdaman mo, kasi kung ikukumpara mo yan sa sakit na dinanas ko, walang binatbat yang sakit na nararanasan mo ngayon!" Sigaw nya habang dinuduro ako sa dibdib. Sige, sabihin mo lahat. Makikinig ako. Ilabas mo lahat ng sakit na dinanas mo sa akin, kasi sasaluhin ko lahat yun para wag ka lang masaktan. Kahit ako na lang palagi ang masaktan.
"Ngayon kahit ipaintindi mo sa akin ang lahat, wala na yang saysay! Dahil huli na ang lahat para sa ating dalawa! Huling huli na kaya pasensya kana.. hindi ka na maambunan ng kahit kaunting atensyon at pagmamahal mula sa akin. Dahil nung una pa lang, iyo lang ang lahat ng iyon pero sinayang mo. Kaya wala kang karapatan na hilingin at bawiin ako sa kanya, dahil sa una pa lang ikaw ang unang humiling na umalis ako jan sa buhay mo!" Dagdag nya pa. Pinunasan nya ang luha sa kanyang mata habang nakatingin sa akin. Walang tigil ang pag-agos ng luha sa aking mata.
BINABASA MO ANG
Still Into You (BedSpacer#2)
RomanceShe is almost over him. But then, he came back. Does their love still have a second chance? My Bed Spacer Lover Book 2. Written By Drone_Ranger.